CHAPTER 5

11 0 0
                                    

TEN

Naging masaya talaga ang gala namin dito sa isla, dagdag pa na may mga cute kaming tour guide na sobrang nakakaaliw din.

"Ron, kilala niyo ba kung sino may-ari nitong isla?" tanong ko sa bata na si Ronron.

Umiling siya. "Hindi po eh." sagot niya.

"Sa pagkakaalam lang po namin ay anak daw ng isa sa pinakamayamang businessman na taga-maynila ang may-ari po nito." dagdag niya.

"Ganun ba? Hindi pa ba nakabisita o nakapunta dito ang may-ari nito?" tanong ko ulit.

"Hindi ko po alam eh. Wala naman po kasi kaming nabalitaan na pumunta rito yung may-ari." sagot niya.

"Ba't niyo po pala natanong?" tanong sa'kin ni Ronron.

"Chismosa yan eh." sabat ni Audrey.

"Hindi ah. Na curious lang eh." wika ko.

Hindi na ako nagtanong pang muli at nagpatuloy nalang sa aming paglalakad. Ngunit maya-maya pa ay bigla namang tumabi sa akin si Audrey na ikinapagtaka ko.

Napahinto ako. "Bakit?" takang tanong ko sa kanya.

"Obserbahan natin galaw ni ate Raya, tsaka ni Glenn at Khai. Hindi kasi talaga ako mapakali dun sa nangyari kaninang madaling araw eh. Parang may something kasi talaga eh." bulong niya sa tenga ko.

"Okay." sabi ko saka nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

So far, wala naman akong napansin na kakaiba. Para sa'kin parang wala naman talaga. Guni-guni lang siguro yun ni Audrey dahil medyo lasing siya nung time na yun. What if kinabag lang pala si ate Raya nun kaya parang hindi siya mapakali kaninang madaling araw tapos na misinterpret lang si Auds? O edi parang useless na tong ginagawa naming pag-oobserve sa tatlo? Hay naku naman talaga tong si Audrey!

"Pahinga muna tayo, masakit na paa ko eh." ate Majoy said kaya nagpahinga muna kami.

"Wala naman sigurong ahas dito noh?" tanong ni Shamey.

"Minsan meron, minsan wala." sagot nung mga bata.

Gagi? What if may bigla nalang manuklaw dito sa'min ngayon?

"Pwede daw mag-hiking dito. Hiking tayo." ate Raya said.

Iba din talaga tong si ate Raya eh. Planado na niya siguro yan kanina pa. Kaya siguro may dala siyang malaking bag.

"Tara lezzgo..." excited naman nitong si Khai, palibhasa laloves niya yung nagyaya eh.

"Mamaya na. Pahinga muna tayo." sambit ni ate Majoy.

"Pass. Kayo nalang muna, dito nalang ako." saad ni Audrey.

"Yan nalang si Ten isama niyo ate Raya, tutal may lahi namang unggoy yan." dagdag niya. Imbes na maawa ako sa kanya dahil mukhang pagod siya, umurong tuloy yung awa ko dahil sa sinabi niya.

Inaasar na naman niya ako. Akala niya siguro hindi ko siya gagantihan. "May kwento ako." sabi ko sa kanila.

"Sige, ano yun?" himala at g na g si Khai sa kwento ko.

"Dati kasi guys, mahilig talaga kaming gumala ng mga pinsan ko sa kahit saan. Then, one time, pumunta kami sa isang bundok. 12 years old pa ako nung time na yun at may nakapagsabi kasi sa amin na ang bundok na iyon ay may magandang sapa or lawa ba yun? Ay, water falls pala. Basta yun, may maganda daw na ganun sa bundok na yun. Kaya, naisipan ng mga nakatatandang pinsan ko na pumunta doon, at syempre sumama ako gala na yun eh." panimula ko at medyo natawa ako dahil seryoso silang nakinig. Pati yung mga bata ay all ears din sa kwento ko.

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon