MAJOY
🔞: trigger warning
Tinignan namin isa-isa ang bawat cottage dahil nagbabaka-sakali kami na nasa cottage lang siya nakatulog, pero wala pa rin. Kaya naisip namin na maglibot na sa buong isla.
Nang makarating kami sa parte kung saan naninirahan ang mga residente dito sa isla ay sinalubong kaagad kami nung limang batang nakilala namin nung isang araw.
"Mga ate ganda, saan po ulit kayo pupunta?" tanong ni Epy, ang pinaka-bunso sa kanila.
"Hahanapin namin yung isa naming kaibigan. Hanggang ngayon hindi pa kasi nakabalik eh." sagot ni Ten sa kaniya.
"Hala diba Macoy nakita mo ang isa sa kanila na dumaan dito kanina?" tanong nung isang bata na si Lynda dun kay Macoy na naglalaro.
Si Macoy naman ay agad na lumapit sa gawi namin. "Opo. Nakita ko po siya kaninang madaling araw po. Dun po siya pumunta sa kagubatan oh." sabi niya at itinuro ang direksyon kung nasaan ang kagubatan.
Nagkatitigan kaming magkakaibigan pagkatapos marinig ang sinabi ng bata. "Nagising po kasi ako kaninang madaling araw para po mag-wiwi tapos nakita ko po siya na dumaan dito. Si ate Shamey po yun diba?" dagdag ni Macoy. At napatango naman ako sa tanong niya.
"Sige, kids. Maraming salamat ha, lalo na sayo Macoy. Alis na muna kami at hahanapin lang muna namin si ate Shamey niyo." malumanay na sabi ni Coleen sa mga bata.
Naglakad na ulit kami patungo sa kagubatan na lagi naming nadadaanan nung nakaraan. "Maghiwa-hiwalay tayo. Ako, si Ten, si Raya, at Audrey, dun kami maghahanap sa kweba. Tapos kayo naman Glenn, Khai, at Majoy, dito kayo sa gubat." utos ni Coleen kaya kaagad kaming sumunod.
Maghapon naming hinanap si Shamey sa buong kagubatan at ganun rin sila Coleen na hinahanap si Shamey sa bundok at kweba, pero malapit nalang mag-alas kwatro, wala pa rin kaming nakitang Shamey.
"Balik na muna tayo sa hotel, ate Majoy. Baka andun na si Shamey sa hotel." saad ni Glenn.
"Hintayin nalang muna natin sila ate Raya na makabalik dito." sabi ko sa kanya.
Maya-maya ay bigla naman kaming may narinig na sigaw kaya agad kaming naalerto. "Si Audrey yun ah." sabi ko sa dalawa, kaya kumaripas kaagad kami ng takbo papunta sa kung sa'n namin narinig yung sigaw.
Nakita kaagad namin si Audrey na nakaupo sa damuhan habang tulala, kasama niya sila Coleen na tulala rin kaya nilapitan agad namin sila. Ganun na lamang ang paglambot ng mga tuhod ko at agad na napaluhod kasabay ang pagbagsak ng aking mga luha nang makita ang bunso namin na nakahilata sa damuhan, naliligo ng sarili niyang dugo, at wala ng buhay.
"N-n-no no no... H-hindi to totoo... S-sabihin niyo sa'kin na hindi to totoo..." nanginginig kong sambit habang patuloy na umaagos ang mga luha ko sa aking mga mata.
Hindi totoo tong nakikita ko. Nananaginip lang ako.
Nanginginig akong lumapit sa katawan ni Shamey at niyakap ito ng mahigpit. "No, please. Bunso, gising ka na please. Andito na kami, Sham. Andito na si ate Majoy. Gising na, please. Uuwi pa tayo, bunso." humahagulgol kong sambit.
Naramdaman ko naman na lumapit sa akin si Coleen. "Joy, tama na. Huli na tayo. Wala ng pulso si bunso. At sobrang lamig na niya nang madatnan namin siya dito." rinig kong wika niya ngunit umiling lang ako habang yakap-yakap pa rin ang katawan ni Shamey.
"NOOOO! This is not real! Hindi to totoo at nanaginip lang ako!" puno ng hinanakit kong sigaw.
"Sabihin mo sa'kin Coleen that this is not real. She's alive, our Shamey is alive, right?" please Coleen, tell me that this is just my nightmare, please...
BINABASA MO ANG
SA ISLANG PANTROPIKO
Mystery / ThrillerBINI AU - 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.