COLEEN
🔞: trigger warning
Halos mabitawan ko ang journal ni Raya pagkatapos namin itong mabasa. Tulala at speechless kaming tatlo dahil hindi talaga kami makapaniwala sa nabasa namin.
"Kung ganun, wala talagang kasalanan si Hiraya? At lahat ng nangyayari ay pakulo lamang ng anak ni Chairman Bramblett?" rinig kong tanong ni tito Joaquin. Alam niya rin kasi kung ano ang nakasulat sa journal dahil binasa ko ito nang malakas.
Tumango-tango ako sa kanya. "Nung nalaman kong buhay si Shamey, na sense ko na talaga agad na may something at may mali. Nakakapagduda kasi talaga yung pagkabuhay niya tapos naging okay na agad siya nang ganun kadali." mahaba-habang saad ni Khai.
"Gosh! Kinamuhian ko si Raya without knowing na sobra-sobra din pala ang nangyari sa kanya. Kinampihan ko pa si Shamey tapos siya pala itong totoong traydor." napalingon ako kay Majoy nang marinig ang sinabi niyang iyon.
"I'm sorry, guys." paghingi niya nang tawad sa amin ni Khai.
"It's not your fault, ate Majoy. Lahat tayo nalinlang ni Shamey at niloko niya tayong lahat." saad ni Khai sa kanya.
"Hindi ko talaga akalain na sa kabila nang pagiging inosente ni Shamey ay isa pala siyang psychopathic serial killer." sambit ni Majoy.
"Na may split personality. Dahil si Shamey ay alter ni Shane Bramblett." dagdag ni Khai.
"Guys, baka nga si Shamey yung tumulak kay papa sa building four years ago. Naalala niyo yung sinabi ko sa inyo na pumunta si Shamey sa restaurant namin nung araw na dinala si papa sa ospital? Nagkita silang dalawa nun sa restaurant, and what if kaya nag-seizure si papa nun e dahil nakita niya si Shamey, may naalala siya at nakilala niya ito. Nakakapagtaka kasi never naman nagka-ganun si papa, yung time lang na 'yon. Then, ever since na naaksidente si papa, yun lang din yung time na nagkita sila ulit." paliwanag ko.
"Baka nga, ate Coleen." pagsang-ayon ni Khai.
"So, ano na gagawin natin ngayon?" tanong ni Majoy.
"Kailangan natin ng mas matibay pa na ebidensya para mas mapatunayan na si Ms. Bramblett talaga ang pinakasalarin. Tandaan niyo na hindi basta-bastang kalaban ito dahil isa itong Bramblett at marami itong koneksyon." payo ni tito Joaquin.
"Kagaya na lamang ng sinabi ni Hiraya diyan sa kanyang journal, kahit si Mr. Bramblett ay under at walang kalaban-laban sa anak nito. Kaya dapat mag-isip tayo nang magandang paraan kung pa'no matimbog ang batang ito." dagdag ni tito.
"Based sa mga nangyayari at sa sinabi ni Raya sa journal niya, matalino si Shamey at hindi ito basta-bastang maiisahan. Tsaka isa pa, hindi natin lubusang kilala si Shane Bramblett dahil ang lagi nating nakakasalamuha at nakakasama sa loob ng siyam na taon ay ang alter nito na si Shamey, kaya mahihirapan talaga tayo nito." wika ko.
"Hindi ba sapat yung journal ni Raya?" Majoy asked.
"Yes. Kailangan talaga natin ng mas matibay pa diyan." tito Joaquin replied.
"I think we need ate Raya's help. Siya lang yung nakakakilala nang lubusan kay Shamey." suhestiyon ni Khai.
"Hindi natin pwedeng gawin yan, Khai, dahil hawak ni Shamey si Raya sa leeg. Hindi rin natin alam baka palihim na nagmamasid si Shamey kay Raya. Pag humingi tayo nang tulong sa kanya, baka malaman pa ni Shamey at kung ano pang gawin nito kay Raya. Sa ngayon, isipin nalang muna natin yung kaligtasan ni Raya." tugon ko sa kanya.
"What if kay Mr. Bramblett nalang?" suhestiyon naman ni Majoy.
"Mas lalo namang wag sa kanya. Wala akong tiwala sa taong yun. Isipin niyo nalang, alam na niya una palang na ganun kondisyon ng anak niya at alam kong alam niya rin that Raya is innocent, pero anong ginawa niya? Diba wala? Wala siyang ginawa para patunayan na inosente si Raya, nakipag-cooperate pa nga siya para idiin si Raya sa kaso kahit na alam niyang anak niya talaga ang may gawa nang lahat ng yun eh." tugon ko kay Majoy.
BINABASA MO ANG
SA ISLANG PANTROPIKO
Mistério / SuspenseBINI AU - 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.