MAJOY
🔞: trigger warning
Isang linggo ang nakalipas mula nung makulong si Raya. Wala ng sabi-sabi at ikinulong kaagad siya. Umamin naman siya sa mga kasalanan niya kaya kaagad siyang hinatulan ng habang buhay na pagkakakulong.
Sa loob ng isang linggo ay walang araw na hindi ako umiiyak dahil hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari. Miss na miss ko na rin sobra sila bunso. Yung tawa niya, yung asaran ni Ten at ni Audrey, yung kaingayan nila, sobrang miss na miss ko na.
Mabuti nalang andiyan si Khai at Coleen na lagi akong dinadalaw at dinadamayan. Ngayon nga ay bibisitahin namin ni Coleen at Khai si Raya sa kulungan. Meron pa kasi akong gustong sabihin sa kanya eh at gusto kong sabihin na iyon sa kanya para mapanatag na kalooban ko.
"Sure ka ba na kaya mo na siyang makita?" paniniguradong tanong ni Coleen sa akin pagkapasok ko sa loob ng sasakyan niya.
Tumango ako. "E kayo, ready na ba kayo na makita siyang muli?" tanong ko sa kanilang dalawa at lumingon kay Khai. Tumango lang sila bilang sagot.
Sa loob rin ng isang linggo, puro tungkol kay Raya ang laman ng balita. Akala ko nga may gagawin si Chairman Bramblett para maabswelto si Raya sa kaso eh, pero wala at nakipag-cooperate pa nga siya sa mga pulis.
Nakipagkita rin ang papa ni Raya sa aming tatlo nung isang araw at iginiit niya na hindi raw magagawa yun ng anak niya tsaka inosente raw ito pero isinawalang bahala nalang namin. Ganun naman talaga ang ibang mga magulang kapag nagkasala yung anak nila tapos hindi nila alam kung anong klaseng tao talaga anak nila, sasabihin nilang walang kasalanan at inosente yung anak nila.
Pagkarating namin sa detention center ay nag-fill up kaagad kami ng form for visitation.
"Ma'am, pasok nalang kayo dun sa visitor's room." sabi nung pulis pagkatapos.Hindi nagtagal ay pumasok na rin si Raya sa loob at umupo kaagad siya sa kaharap naming upuan. Medyo may nagbago sa mukha niya, medyo pumayat rin siya, tapos ang laki nung mga eyebags niya. Pero kahit ganun ang ganda pa rin niya.
"A-Ate Raya, k-kumusta ka dito?" tanong ni Khai sa kanya pero hindi siya sumagot at pinaglalaruan lang niya ang mga daliri niya.
"Pumunta ako dito hindi para kamustahin ka, kundi para sabihin sayo yung mga hindi ko nasabi sayo nung nasa isla pa tayo." sabat ko.
"Nagsisisi ka na ba sa mga ginawa mo? Sana naman pinagsisihan mo na yung ginawa mo kina Shamey. Gusto ko lang sabihin sayo na kung ano man yung nagawa naming kasalan sayo, sorry, sorry kung ano man yun. Ako na rin ang humihingi ng kapatawaran in behalf of Ten, Audrey, Shamey, and Glenn." may sasabihin pa sana ako kaso bigla siyang nagsalita.
"W-wala kayong kasalanan..." sabi niya sa mahinang boses.
Sa sinabi niyang iyon ay parang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko. "PERO BAKIT?! BAKIT MO NAGAWA YUN?! WALA NAMAN PALA KAMING KASALANAN, SO ANO YUN?! TRIP-TRIP MO LANG?! PUTANGINA, HIRAYA! BUONG AKALA NAMIN MAY MALAKING KASALANAN KAMING NAGAWA SAYO KAYA MO NAGAWA YUN! APAT NA KAIBIGAN NATIN PINATAY MO! TAPOS NGAYON, SASABIHIN MO WALA KAMING KASALANAN?!" galit kong sigaw sa kanya. Napatayo pa ako at hinampas ang mesa sa galit. Muntik ko pa nga siyang masapak buti nalang naawat ako ni Coleen at Khai.
"Alam mo, hindi mo deserve ang makulong lang eh!" dagdag ko saka padabog na lumabas sa kwartong yun.
Dumiretso na kaagad ako sa loob ng kotse ni Coleen pagkalabas. Akala ko hindi sumunod sa akin ang dalawa pero sumunod pala.
"Bisitahin nalang natin puntod nila Glenn." Coleen said pagkapasok nilang dalawa ni Khai sa loob ng kotse.
Bumili muna kami ng bulaklak bago kami dumiretso ng sementeryo. "Hi, guys. Kumusta kayo." bati ni Khai sa puntod ng tatlo pagkarating namin.
BINABASA MO ANG
SA ISLANG PANTROPIKO
Mistero / ThrillerBINI AU - 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.