MAJOY
🔞: trigger warning
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Coleen na si Raya ang tunay na salarin. I mean, papano? Ni hindi nga makabitaw ng mga bad words si Raya, papatay pa kaya.
Kaya nung sinabi ni Coleen na si Raya ang totoong salarin ay ayoko talaga dapat paniwalaan si Coleen kasi baka ginamit lang niya si Raya para malinis niya ang sarili niya. Pero ngayong nakita namin yung mga pictures ni Raya na may hawak na martilyo habang nakatingala kay Audrey na nakabitay, ay talagang nanginig ang mga kamay ko at maluha-luha akong napatingin kay Raya na ngayon ay nakayuko.
Kinompronta ko siya. "T-Totoo ba to? Ate Raya, totoo ba to?!" galit na tanong ko sa kanya at nilapitan siya tapos ipinakita sa kanya ang litrato.
"Ate Raya, sumagot ka! Sagutin mo yung tanong ko! Totoo ba to?!" ulit ko. Nanginginig na buong katawan ko dahil sa galit. Hindi pa rin siya sumagot, so ibig sabihin totoo nga?
"Putangina! So all this time, ikaw pala itong traydor na may balak na ubusin kaming lahat sa loob ng islang ito?!" sa galit ay naibato ko sa kanya ang cellphone na hawak ko.
Ang tibay niya ha dahil hindi talaga siya umimik at nanatili lamang na nakayuko. "Anong kasalanan namin sayo ha?! Anong nagawa naming kasalanan sayo?! Bakit mo kami ginanito?!" hindi ko na rin nakaya at nasampal ko na siya.
Sinampal sampal ko siya. "Pinagkakatiwalaan ka namin! Nagtiwala kami sayo! Tapos gaganitohin mo lang kami?! Si bunso pa talaga ang una mong pinatay! Hayop ka! Hayop ka! alam mo ba yun ha?!" inaway, sinigawan, at pinagsasapak ko siya habang umiiyak.
Wala pa rin siyang imik at nanatili lang siyang tahimik. "Pa'no mo nagawa sa amin to?! Bakit?! Ate Raya, bakit?! Bakit kami? Bakit si Shamey? Bakit si Audrey, Ten, at Glenn? Ate Raya, bakit?" paulit-ulit kong tanong sa kanya. Sobrang sikip ng dibdib ko, parang sasabog na sa sakit.
Hindi ko akalain na ang taong inakala namin na pinakamabait sa lahat, ang pinagkakatiwalaan namin ng sobra, ang sandalan namin sa tuwing may problema kami, ang taong hindi makabasag pinggan, at sobrang soft ay isa palang murderer. Naloko at nauto niya kami for 9 damn years.
"Joy, tama na yan. Tumawag na ako ng mga pulis, yung totoong mga pulis at paparating na sila." awat ni Coleen sa akin.
"Ate Raya... bakit kailangang umabot ka o tayo sa ganito?" Khai asked. Alam kong sobrang sakit para sa kanya na malaman din ang katotohanan na ito. She loves Raya, at kahit na hindi niya aminin ay alam namin na mahal niya ito. Alam kong mahihirapan si Khai na tanggapin ang katotohanan na ang babaeng mahal niya ay isang mamamatay tao.
"I'm sorry..." rinig kong sambit ni Raya kaya natawa ako.
"Sorry? Huh! HAHAHA nagpapatawa ka ba Hiraya? Sorry? Pagkatapos mong patayin ang apat nating kaibigan? Tapos sasabihin mo sorry? Okay ka lang? Tsaka wag mong sasabihin na hindi mo sinasadya ha! Dahil ang pagpatay mo sa kanila ng sunod-sunod ay sinadya at pinagplanuhan mo!" sarkastikong tugon ko.
"Ako, Yang. Anong nagawa ko sayo, bakit nagawa mo kong e frame up? Sa pagkakaalala ko puro lang naman kabutihan ang nagawa ko sayo. Ni hindi ko nga magawang magalit sayo eh." Coleen asked. And as usual, hindi ito sinagot ni Raya.
After ilang minuto ay dumating na ang mga pulis, mga medic, at may mga forensic rin. Pinosasan kaagad nila si Raya pagkarating nila. Sinabi ni Coleen sa kanila na mga accomplices ni Raya ang mga staff ng hotel kaya yung iba sa kanila ay nagkalat sa buong isla para hanapin yung ibang staff ng hotel na tumakas, mabuti nalang at nahanap kaagad nila. Oo, tumakas yung ibang staff buti nalang at naabutan kaagad sila nang mga pulis. Yung iba naman sa mga kapulisan ay pumunta sa kwarto nila Coleen para kunin ang wala ng buhay na katawan nila Glenn at Ten.
BINABASA MO ANG
SA ISLANG PANTROPIKO
Mystery / ThrillerBINI AU - 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.