GLENN
🔞: trigger warning
"Glenn? Glenn! Glenn, gising!" nagising ako bigla dahil kay Ten na humihikbi.
"B-bakit?" tanong ko.
"Si Audrey... Glenn, si Audrey wala na..." pagkasabi niya nun ay muling nanumbalik sa isipan ko ang mga nasaksihan ko kagabi.
"A-Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan na tanong ko.
"Natagpuan siya ng mga hotel staff dun sa sirang cottage. Nakabitay siya Glenn at wala ng buhay." umiiyak niyang saad.
Agad na akong tumayo saka lumabas ng kwarto kasama si Ten. Pagkarating namin sa labas ng hotel at sa cottage na sinasabi ni Ten ay bumungad kaagad sa amin ang iba naming kaibigan. Si ate Majoy ay kulang nalang magwala na, grabe yung iyak niya habang yakap-yakap ang katawan ni Audrey. Si ate Coleen at Khai naman pilit nilang inilalayo si ate Majoy kay Audrey kasi ayaw nitong bitawan ang katawan ni Audrey.
"Wala pa bang mga pulis na dumating, Khai?" tanong ko kay Khai.
"Tinatawagan palang ng mga staff nitong hotel." sagot niya. Tinignan ko ang mata ni Khai at sobrang pula nito marahil ay kanina pa to iyak ng iyak.
Maya-maya ay may kinuha nalang bigla si Ten sa kamay ni Audrey. "Guys, may papel na naman." sambit niya saka binuksan yung papel.
Nanlaki ang mga mata niya kaya sinilip ko ang papel na binabasa niya. "Ano yung nakalagay sa papel?" Khai asked.
"Kung ano yung nakasulat dun sa papel na nakuha natin sa kamay ni Shamey, ay ganun pa rin ang nakalagay sa papel na ito." sagot ni Ten.
Palihim kong nilingon si ate Raya na tahimik lang sa gilid habang tulala na pinagmamasdan ang walang buhay na katawan ni Audrey. I can't believe her! Ang galing niyang umakting ha!
"Dahil dito, hindi ako naniniwala na nag-suicide si Auds." sambit ni Ten na ikinapagtaka ko.
"Suicide?" curious kong tanong.
"Pagkarating kasi namin dito kanina after kami sabihan ng hotel staff ay nakita ni Ate Raya ang phone ni Audrey diyan sa table. Tapos pagbukas namin sa phone ni Audrey, tumambad yung suicide note niya. Ang sabi ni Audrey sa suicide note niya ay hindi niya kinaya yung nangyari kay Shamey kaya niya ginawa to." nanlaki ang mga mata ko sa paliwanag ni Ten at lumingon kay ate Raya ng hindi makapaniwala.
Gosh! She's so evil...
So, pinapalabas niya na nag-suicide si Audrey because of what happened to Shamey? Grabe! Bilib ako sa kademonyohang taglay ni ate Raya! Base palang sa itsura ng katawan ni Audrey halatang hindi ito suicide. Yung katawan kasi ni Audrey puno ng pasa, yung braso, yung kamay, pati na rin ang mga paa. At base rin sa nakita kong bitbit na martilyo ni ate Raya kagabi, halata na yun ang ginamit niya at ang dahilan ng mga pasa ni Audrey sa katawan. Yung leeg niya naman ay mukhang sinadya na sinakal siya gamit ang lubid. Sa itsura palang ni Audrey halatado na minurder ito at hindi suicide.
What a freaking psychopath!
Isang oras bago makarating ang mga pulis dito sa isla. Nang maisakay na ng mga rescuers ang katawan ni Audrey sa rescue boat ay sinubukan ko na sumama sa mga ito dahil natatakot na ako sa mga posible pang mangyari sa amin kapag nanatili pa kami rito. Malaki kasi ang posibilidad na isa sa amin ay isusunod. Lalo na at hindi nila alam kung sino ang totoong salarin at hindi ko rin alam kung ano ang takbo ng isip ni ate Raya. Kaya malaya siya na gawin ang kung ano mang gusto niyang gawin.
Nang sabihin ko sa mga otoridad na sasama ako sa kanila pabalik sa city ay nagtaka ako dahil hindi sila pumayag. Si ate Majoy rin ay hindi pumayag dahil gusto niya hanapin daw muna namin ang gumawa nito kila Audrey kasi gusto niya raw gumanti. Me and Khai wants to go home already dahil hindi na talaga tama tong nangyayari sa amin dito sa isla.
BINABASA MO ANG
SA ISLANG PANTROPIKO
Mystery / ThrillerBINI AU - 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.