CHAPTER 12

13 0 0
                                    

TEN

🔞: trigger warning

Kasalukuyan kaming nagtitipon ngayon dito sa kwarto nila ate Majoy at ate Raya para imbestigahan ang tungkol sa nangyari kay Shamey at Audrey. Hindi na talaga namin nagawa na matulog pa pagkatapos ng nangyari kay Audrey.

Hindi ko pa rin talaga matanggap ang nangyari sa kanya. Sobrang sakit sa damdamin na hindi ko siya nagawang protektahan. Nangako pa naman ako na poprotektahan ko siya palagi, but this time, I failed to protect her.

Pagkatapos kong makita ang kwintas ni ate Coleen sa kamay ni Audrey, nag-iba talaga ang tingin ko kay ate Coleen. Parang nawala lahat ng magagandang pinagsamahan namin after nun. Kung sakaling mapatunayan man na siya nga talaga ang salarin sa pagkamatay ni Shamey at Audrey, hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad. Ipaghihiganti ko talaga si Audrey at Shamey.

"Sige, sabihin na natin na tama ang sabi ni Khai na na-frame up lang si Coleen. So, ibig sabihin nun, yung killer ay may galit kay Coleen." rinig kong wika ni ate Majoy.

"O di kaya, si Coleen talaga ang totoong target ng killer. Tapos ginamit lang tayo dahil yun ang ikasasaya ng killer kapag nakikita niyang nasasaktan si Coleen." Ate Raya said.

"Ate Coleen baka may naalala o kilala kang may galit sayo?" tanong ni Khai. Tumingin ako kay ate Coleen at umiling lang siya bilang sagot sa tanong ni Khai.

Sa totoo lang, hindi ko rin talaga ma-imagine na magawa kaming traydorin ni ate Coleen. Kasi kahit pa sabihin nating may anger issue siya, ay wala talaga sa bokabularyo niya ang makagawa ng karumal-dumal na krimen. Knowing that she is the daughter of one of the highly respected detective before, hindi ka talaga maniniwala na isa siyang suspek. Kaya may part din talaga sa akin na naniniwala sa sinabi ni Khai na baka na frame up lang si ate Coleen. Pero kahit na ganun ay hindi pa rin ako magpapakampanti.

At kung meron man talaga akong pinagsususpetyahan, aside kay ate Coleen, ay si Glenn yun. Nakakapagtaka kasi talaga na hindi niya nakita si Audrey kagabi e sa mga cottages siya naghahanap tapos si Audrey ay nasa sirang cottage ibinitay. May posibilidad na siya ang gumawa nun kay Audrey kasi galing siya dun sa mga cottages. The fact na nautal pa siya sa pagsagot nung tinanong ko siya kung nakita niya si Audrey tapos nagmamadali rin siya ng lakad pabalik sa kwarto namin. Sobrang suspicious ng galaw niya kagabi tapos pagpasok ko pa sa kwarto ay nakita ko nalang siya na nakahiga na sa kama niya tapos nakatalukbong pa ng kumot.

Alam kong isa lang sa amin ang traydor at 'yon ang gusto kong malaman kung sino. Maya-maya ay nag-excuse muna ako sa kanila. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko at gusto ko munang ilabas tong mga luha ko na nagbabadya ng tumulo mula sa mga mata ko.

"Sa'n ka pupunta, Ten?" tanong ni ate Majoy sa'kin.

"Sa kwarto namin, ate Majoy. May kukunin lang ako." sagot ko saka lumabas ng kwarto nila.

Pumunta ako sa kwarto namin nila Khai at pumasok sa loob ng banyo. Kaagad akong napa-upo sa sahig at napahagulgol ng iyak pagpasok ko.

"I'm sorry, Aud. I'm sorry. I'm sorry. I love you. I love you so much." humihikbing sambit ko.

Kung alam ko lang na may mangyayaring masama sa kanya kagabi edi sana sinamahan ko nalang siya para hindi lang siya yung nasaktan at nawala. Miss na miss ko na siya sobra. Sana isang bangungot lang 'to.

Iyak lang ako ng iyak sa loob ng banyo. Hanggang sa nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang taong hindi ko inaasahan sa lahat. Natigil ako sa pag-iyak at ngayon ay namilog na ang aking mga mata habang nakatitig sa taong pumasok dito sa loob ng banyo. Nakasuot siya ng black hoodie, at black nitrile disposable gloves. Nakangisi siya sa'kin pero yung ngisi niya ay sobrang creepy. She looks so evil with that creepy devilish smirk.

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon