CHAPTER 20

10 0 0
                                    

HIRAYA

🔞: trigger warning

Sampung araw na mula noong ako ay nakulong. So far, wala namang nagtangka na i-bully ako nang mga kasama kong inmates. Akala ko nga pagpasok ko dito sa detention center ay i-bully nila ako e, pero hindi.

Siguro dahil aware sila kung ano ang kaso ko at kung ano talaga ako. That's why walang ni isa sa kanila ang lumalapit sa akin at kung lalapit naman ako sa gawi nila ay lalayo sila.

Hindi nila magawang lumapit at lumalayo sila dahil takot sila sa akin. Kasi nga daw isa akong psychopath. A psychopathic serial killer rather WAHAHAHAHA!

Okay na rin na ganun yung treatment nila sa akin para tahimik ang buhay ko dito sa loob ng kulungan kesa naman guguluhin at aawayin nila ako araw-araw.

Tahimik at mag-isa lang ako ngayon dito na nakaupo sa bench sa gilid habang pinapanood ang ibang inmates na naglalaro ng baraha, volleyball at basketball.

Pinalabas kasi kami ngayon sa mga kanya-kanya naming selda at andito kaming lahat ngayon sa field para makapaglibang.

"Psychopath ba talaga siya? Mukhang hindi naman." rinig kong bulong-bulungan ng ibang inmates sa may di kalayuan ng pwesto ko.

Ganyan sila sa tuwing nagtitipon-tipon kaming lahat ng inmates dito. Magbubulong-bulungan at pag-uusapan ako.

"Ssshhh! Tumahimik ka! Baka marinig ka niyan. Hindi mo alam kung anong kayang gawin niyan sayo." saway nung isa.

Lihim akong natawa... HAHA everyone here are really afraid of me. Hindi ko akalain na may advantage din pala talaga ang pagiging psychopath.

Maya-maya ay may lumapit naman na isang pulis sa akin. "Inmate 0611, may bisita ka." sabi nito kaya tumayo na ako at pinosasan niya naman ang aking mga kamay.

Pagkarating namin sa visitor's room ay nanginig agad ang buo kong katawan nang makita kung sino ang aking bisita.

She's here...

Nakita ko pa ang pagngisi niya nang makita ako. "Ate Raya~" nakakapanindig balahibo na bati niya sa akin.

I really hate her voice... it's very traumatizing...

Napalunok ako. "A-anong ginagawa mo dito?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Nothing. I just want to visit you, coz I miss you." sagot nito.

Bullshit...

"Tumigil ka na please. Hindi pa ba sapat na sinira mo ang buhay ko?" naiiyak kong sambit. Medyo hindi ko na rin ma control ang emosyon ko lalo na at nakita ko nanaman siya ngayon.

Ngumisi lang siya sa'kin. Yung ngisi niya parang pinapahiwatig na na-satisfied siya sa sitwasyon ko ngayon.

"You know what, pwede ko namang aminin sa lahat ang totoo na ako talaga ang totoong psychopath na serial killer eh, pero sa isang kondisyon..." pabitin niyang sabi.

Ayan na naman siya. Lahat nalang talaga may kondisyon eh...

"Magpakasal muna tayo. Pakasalan mo ko and I will tell everybody that I am the real culprit WAHAHAHAHA." demonyong saad nito.

I'm really tired of her bullshit! Yes, it's true! I am not the real psychopathic serial killer. This psychopath in front of me threatened me to kill my family kung hindi ko susundin ang gusto niya, which is magpapanggap ako na ako ang serial killer at ako ang sasalo sa lahat ng kasalanang nagawa at gagawin niya para ako ang makulong imbes na siya. Nung una hindi ako pumayag dahil hindi talaga madaling gawin yung gusto niya. Sobrang bigat kasi ng consequences at buhay ko mismo ang nakataya kapag sinunod ko ang gusto niya.

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon