COLEEN
🔞: trigger warning
Kinabukasan ay pinuntahan kaagad namin si tito Joaquin sa opisina niya para maki-usap na tignan ang mga dokumento tungkol sa murder cases ni Raya. Buti nalang hindi siya masyadong busy ngayon at wala siyang lakad.
"Tito, sige na please. Sikreto lang naman natin to eh. Tito, sige na." paki-usap ko. Kanina pa ako nakiki-usap sa kanya pero hindi siya pumayag dahil bawal daw ito.
"Nak, may rules kami na bawal ipakita, ipabasa, o ibigay sa kahit na kanino ang mga anumang dokumento lalong-lalo na kung hindi ito parte nang kapulisan." giit niya.
"Pero tito, dito lang naman kami sa opisina mo eh. Hindi naman po namin dadalhin yan sa kahit na saan. Promise po, tsaka hindi din po namin yan pipicturan. May kailangan lang po kasi kaming malaman eh." paki-usap ko ulit.
Napabuntong-hininga naman siya at napakamot sa kanyang batok. "Sige na nga. Basta dito lang kayo ha." napa-yes kaming dalawa ni Khai nang pumayag siya.
Tumayo na siya mula sa pagkaka-upo sa kanyang swivel chair at pumunta dun sa cabinet sa gilid. Binuksan niya iyon at kinuha ang isang box saka dinala ito sa gawi namin at inilagay sa mesa.
Binuksan niya yung box at inilabas ang sandamakmak na papel na parang dictionary sa kapal. Hindi lang yun isa ha, kundi marami, mga sampung kumpol ata. Tapos ibinigay niya iyon sa amin.
"G-Ganito po kadami yung kaso ni ate Raya?" hindi makapaniwalang tanong ni Khai kay Tito.
"Nope. Ganyan kadami ang nabiktima niya. Kasali na diyan ang apat na kaibigan niyo at si Cromwell Choi." Tito Joaquin answered.
Nang marinig ko ang sinabi niya tungkol sa apat naming kaibigan ay sumagi sa isip ko yung tungkol kay Shamey. I think, need na malaman ni tito that Shamey is alive.
I cleared my throat. "Uhm, tito." tawag ko sa kanya.
"Yes, nak?"
"Ah kasi po. Yung isa naming kaibigan, yun pong hindi mahanap-hanap ang katawan." nagdadalawang-isip talaga ako na sabihin sa kanya.
"Why? What about her? May lead ba kayo kung sa'n itinago ni Arceta ang katawan niya?" tanong niya.
Umiling ako. "Actually tito, buhay po siya. Siguro kaya hindi mahanap ang katawan niya e dahil naka-survive siya." sabi ko sa kanya.
Namilog naman ang kanyang mga mata at mukhang na-speechless. "Oh? G-Ganun ba?" I nodded my head as a response.
I flipped every page of the documents, after seeing the pictures of the crime scenes and the body and faces of the victims, as well as reading the forensic test results, I can say na sobrang brutal talaga ang ginawa ni Raya or kung sino man talaga ang suspek sa mga biktima.
"So, papa mo nga talaga Col ang may hawak ng kaso nato noon?" tanong ni Majoy habang ang kanyang tingin ay nasa dokumentong hawak niya.
Sasagot na sana ako kaso naunahan ako ni tito Joaquin. "Yes, you're right. Uncle Nicolo niyo nga ang may hawak sa kasong iyan. Yan rin ang huling kasong hawak niya bago siya naaksidente." sagot nito.
"Wait lang po." napalingon kami kay Khai nang magsalita ito.
"Ano yon, iha?" tito Joaquin asked.
"Isa po sa mga biktima dito ay pinatay 4 years ago sa isang abandonadong building. Diba ate Coleen, 4 years ago rin nung naaksidente papa mo sa isang abandonadong building din?" wika ni Khai kaya lumapit ako sa kanya at tumabi nang upo saka tinignan ang dokumentong binabasa niya.
"Yun nga ang dahilan kung bakit inimbestigahan saglit ni tito Joaquin noon yung nangyari kay papa. Kasi nung time na nasa abandonadong building si papa, tumawag siya kay tito at sinabi na magpadala daw doon ng back-up kasi may nakita siyang babaeng walang malay at duguan pero buhay pa. At sinabi rin daw ni papa na feeling niya daw yung killer ay nasa building pa na iyon. Kaso nung dumating sila tito, si papa ay nakahandusay na sa ground floor ng building tapos nagkalat na ang kanyang dugo mula sa ulo. Nakakapanghinala yung nangyari kay papa kasi imposible talagang tumalon siya dun. Kaya inimbestigahan ni tito kasi baka may tumulak kay papa at yung tumulak sa kanya ay yung killer na tinutukoy niya, kaso hindi na itinuloy kasi wala namang ebidensya na makakapagsabing itinulak talaga si papa." mahabang paliwanag ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/375410180-288-k258929.jpg)
BINABASA MO ANG
SA ISLANG PANTROPIKO
Mystery / ThrillerBINI AU - 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.