CHAPTER 18

10 0 0
                                    

COLEEN

🔞: trigger warning

Pagkarating ko nang Rin Café ay nakita ko kaagad sa loob si Majoy at Khai. "Kanina pa kayo?" tanong ko sa dalawa nang makalapit ako sa gawi nila.

"Kararating palang din namin." Majoy replied.

"Totoo ba talaga na si Shamey yun? O kamukha lang talaga ni Shamey ang anak ni Chairman?" Khai asked.

"Si Shamey yun. Bumisita siya sa restaurant namin kanina sabi ni mama. Si mama din nagsabi sa akin na buhay si Shamey." wika ko.

"Pero ate Coleen, papano nangyari yun?" Hays! Hindi ko rin alam Khai.

"Yan din ang tanong ko Khai. Pero based sa sinabi ni mama sa'kin kanina, sinabi daw ni Shamey sa kanya na naka-survive ito." sagot ko sa kanya.

"Bakit ba kayo namomroblema diyan? Can we just be happy that she's alive?" sabat ni Majoy.

"Hindi kasi yan ang iniisip ko, Joy eh. Para kasing may something eh."

"Tama ka, ate Coleen. May something talaga." pagsang-ayon ni Khai.

Sa ngayon ang gusto ko talagang malaman ay kung pa'no naka-survive si Shamey. Nakakapagtaka kasi talaga eh, kasi wala na talaga siyang buhay nung time na natagpuan namin siya. As in, wala ng pulso. Tapos ngayon nabuhay siya? Papano nangyari yun? E mga tauhan ni Raya ang kumuha sa katawan niya. Kaya gusto ko siyang maka-usap kasi gusto kong malaman kung pa'no siya nakawala sa mga kamay ni Raya.

"Kung si Shamey ang anak ni Chairman Bramblett, ibig sabihin alam na ni ate Raya una palang ang tungkol doon? E kasi diba ang pamilya ni ate Raya doon nakatira sa mansion ni Chairman tapos matagal na rin nagtatrabaho ang pamilya niya sa kay Chairman." wika ni Khai.

Alam na talaga ni Raya, imposible kung hindi. Naalala ko pa nung tinanong namin siya tungkol sa anak ni Chairman pero ang sagot niya, hindi pa daw niya ito nakita. So, sa part na iyon, suspicious na talaga. Dagdag pa na para siyang kinabahan na magsalita nung time na iyon. It's like she's afraid of something, or someone.

"Diyan palang sa part na yan Khai, sobrang suspicious na." sabi ko sa kanya.

"Alam mo ate Coleen, lasing ako kagabi pero totoo talaga yung sinabi ko na hindi ako naniniwala na si ate Raya ang totoong salarin." saad ni Khai.

Same, Khai. Hindi pa rin ako sure kung siya talaga ang totoong suspek. Lalo na sa mga nalaman natin ngayon. Hindi ko alam pero sobrang strange talaga nung part na naka-survive si Shamey tapos ini-reveal pa na she's the daughter of Chairman Bramblett.

Hindi naman sa hindi ako masaya dahil naka-survive si Shamey, of course I am very happy that she's alive. Kaso nga lang parang may kung ano na...

Ay ewan! Di ko maintindihan!

"Sandali, sinasabi niyo ba na si Shamey ang totoong salarin?" singit ni Majoy.

Maiintindihan ko si Majoy kung hindi siya sasang-ayon kapag sinabi namin ni Khai na pinaghihinalaan namin si Shamey ngayon. Mahal na mahal niya si Shamey at alam kong hindi niya kaya na pagbintangan ito.

"Hindi naman sa ganun, Joy." sabi ko sa kanya.

She heaved a sigh. "Alam niyo, pagkatapos kong malaman na anak ni Chairman Bramblett si Shamey, dun ko napagtanto kung bakit sa pakiramdam ko parang obsessed si Raya sa kanya. And it's because Shamey is the only successor of Chairman. I think Raya is jealous about that, that's why she attempted to murder Shamey but she failed kasi naka-survive si bunso. I also think na baka gusto niyang mapasakanya ang yaman ng Bramblett na para kay Shamey." Majoy stated.

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon