CHAPTER 8

11 0 0
                                    

COLEEN

🔞: trigger warning

Kaagad na inilagay ng mga rescuers ang katawan ni Shamey sa stretcher pagkarating nila. "Kilala niyo ba ang biktima?" tanong ng detective sa aming apat ni Raya, Audrey, at Ten.

"Kaibigan po namin." sabay na sagot naming apat.

Marami pa siyang tanong sa amin, like, anong oras namin natagpuan ang bangkay ng biktima, kailan namin ito huling nakasama, at kung ano-ano pa.

Pagkatapos ay sumunod na kami sa kanila pabalik. Napansin ko pa ang mga bulungan ng mga residente sa isla nung mapadaan kami sa kanila. Marahil ay nagtataka sila kung anong nangyayari.

"Babalik na ba kayo ngayon sa Maynila?" tanong sa amin ng detective pagkarating sa dalampasigan. Yung katawan ni Shamey ay naisakay na ng mga rescuers sa malaking rescue boat.

Sasagutin ko na sana yung tanong ng detective kaso biglang hinawakan ni Majoy ang kamay ko at siya na ang sumagot sa tanong ng detective.

"Hindi pa. Mananatili muna kami dito dahil gusto naming tumulong sa imbestigasyon. Tutulong kami sa paghahanap sa taong gumawa nito sa kaibigan namin. Kasi naniniwala ako na andito lang sa islang 'to ang gumawa nito sa kanya." sabat niya.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla nalang niya akong hinatak papasok sa loob ng hotel hanggang sa mapunta kami sa loob ng restroom.

Pagkarating namin sa restroom ay pabalibag niyang binitawan ang aking kamay na ipinagtaka ko. Anong nangyari sa kanya? Bakit parang kakaiba ang emosyon na pinapakita niya sa akin ngayon?

"J-Joy..." sambit ko sa pangalan niya.

Sobrang lamig ng mga titig niya sa akin. "Ano to? Anong ibig sabihin nito?" tanong niya sabay pakita sa akin ng bracelet na may dugo pa.

"A-Anong... J-Joy h-hindi kita maintindihan..." kunot-noong sambit ko.

"Tignan mo ng mabuti ang bagay na to. Bracelet mo to, Coleen! Bracelet mo to na nakita ko sa damit ni Shamey kanina!" she muttered.

Kinuha ko sa kamay niya ang bracelet at tinignan ito ng mabuti. Tama siya, sa akin nga ang bracelet na to. Kagabi ko pa to hinahanap eh. Atsaka anong sinasabi niya na nakita niya to sa damit ni Shamey?

I stared at her. "J-Joy k-kung ano man yang iniisip mo, hindi yan totoo. H-hindi ko magagawa yun kay bunso." I honestly said. Parang alam ko na kasi kung ano ang pinapahiwatig niya.

"Pero bakit nasa damit ni Shamey ang bracelet mo?! Ano, sumama yan kay bunso kagabi?! Coleen, pinagkakatiwalaan ka namin! Bakit mo naman nagawa sa kanya to?! Pa'no mo nagawa kay bunso to?! Planado mo ba to nung una pa, ha?!" galit na galit niyang tanong habang pinagsusuntok niya ang dibdib ko.

Nagpantig naman ang tenga ko nang marinig ang mga sinasabi niya kaya marahas ko siyang hinawakan sa kanyang balikat. "Majoy, hindi porket nakita mo tong bracelet na to sa damit ni Shamey, ay ako na kaagad ang gumawa nun sa kanya!" hindi ko na rin talaga mapigilan ang sarili ko kaya nasigawan ko siya na ikinabigla niya.

Natawa siya ng mapakla. "Huh! Iniisip ko nga na baka ikaw ang may-ari ng islang ito eh. The fact na kabisado mo ang isla pati na rin ang hotel." wika niya na nagpa-triggered na ng tuluyan sa akin. Kulang nalang ay masuntok ko ang salamin dahil sa mga pamimintang niya.

"Pa'no mo naman nagawang pagbintangan ako ng ganito?! Sa tingin mo ba magagawa ko kayong traydorin?! Sa tingin mo magagawa ko talaga yun kay Shamey?! All of you knows how important she is to me too! Alam na alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang batang iyon! Sa tingin mo talaga hindi ako nasasaktan sa sinapit niya?! Durog na durog rin ang puso ko ngayon, Joy!" humihikbi na sabi ko. Pati ang mga luha ko ay hindi ko na rin talaga mapigilan na hindi tumulo.

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon