CHAPTER 4

11 0 0
                                    

AUDREY

Sa aming lahat, ako ang unang nagising kinabukasan. Nagising kasi ako ng madaling araw tapos hindi na ako nakatulog pa ulit hanggang sa nag-umaga na.

Kaya ito, naisipan ko munang lumabas ng hotel para magpahangin. Andito ako ngayon sa may dalampasigan at pinagmamasdan ang napaka-gandang dagat ng Pantropiko Island.

Grabe! Hindi ko talaga maiwasan na hindi mamangha sa lugar na ito dahil napakaganda talaga sobra. Gusto ko ulit bumalik sa lugar na ito pero sa susunod isasama ko na si mommy.

"Woi!" napaigtad ako ng may manggulat sa'kin. Paglingon ko, ang tarantadong si Ten pala. Ang laki pa nang ngiti ng hinayupak.

Binatukan ko siya. "Tanginamo!" malutong na mura ko sa kanya. Pero ang animal pinagtatawanan lang ako.

"HAHAHAHA pa'nong gulat, Auds?"

I rolled my eyes. "Manahimik ka nga! Umagang-umaga binubwesit mo na naman ako!" iritang sambit ko.

"HAHA ang aga mo naman atang nagising ngayon?" tanong niya.

I crossed my arms. "Nagising ako ng madaling araw eh tsaka 'di na ako nakatulog ulit." I replied.

Sumagi naman sa isipan ko yung dahilan kung bakit ako nagising kanina ng madaling araw, kaya lumingon ako sa katabi ko.

"Ten, nalasing ba ako kagabi?" seryosong tanong ko sa kanya.

Tumaas isang kilay niya saka tinignan ako. "Medyo lang. Bakit?" sagot niya.

"Baka kasi nalasing ako eh at namalikmata lang ako kanina." wika ko.

"Bakit pala?" curious niyang tanong.

"Nakita ko kasi si ate Raya kaninang madaling araw na lumabas ng kwarto tapos matagal siya bago nakabalik. Then nung bumalik siya, parang may something sa kanya. Mukha siyang wala sa sarili tapos para siyang natataranta, kinakabahan, at naiiyak." kwento ko.

"Kaya nga hindi na ulit ako nakatulog eh dahil hindi na mawala sa isipan ko yung itsura ni ate Raya kanina. Iniisip ko kasi kung ano talaga nangyari sa kanya eh." dagdag ko.

"Hala! Kaninang madaling araw napansin ko rin si Khai at Glenn na lumabas ng kwarto. Tapos pagbalik nila ay may ngisi na sa kanilang mga labi." wika niya.

"Alam mo ba kung saan sila galing?" tanong ko.

"Hindi eh." sagot niya sabay kamot sa kanyang batok.

"Balik na tayo sa loob. Gutom na ako. At baka gising na rin sila ngayon." saad niya at na una ng pumasok sa loob.

Nanatili muna ako ng ilang minuto bago sumunod kay Ten papasok sa loob. Pagbalik ko sa room namin ay gising na sila ate Majoy at nagliligpit na ng kanilang higaan.

"Sa'n ka galing?" tanong ni ate Majoy pagkakita niya sa'kin.

"Dun lang sa dalampasigan, nagpapahangin." sagot ko.

"Ang aga mo atang nagising, Auds?" tanong ni Shamey.

"Hindi na kasi ako nakatulog ulit nung nagising ako kanina eh kaya lumabas nalang muna ako." sagot ko.

"Mag-ready na kayo, para makakain na tayo. After we eat our breakfast, maglibot na tayo dito sa isla." Ate Raya said.

"Magdala tayo ng pera baka may madaanan tayong tindahan dun." sabi ko.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito at si Ten ang tumambad pagkabukas ko.

"Nakakagulat naman mukha mo!" sambit ko.

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon