CHAPTER 10

12 0 0
                                    

AUDREY

🔞: trigger warning

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kay Shamey. Nasasaktan ako dahil sa sinapit niya and at the same time natatakot dahil hindi namin alam kung sino talaga gumawa nun sa kanya. Natatakot ako baka isa sa amin ay isunod.

Hindi rin ako makatulog mula pa kagabi. Sa tuwing ipipikit ko kasi ang mga mata ko, yung mukha ni Shamey na puno ng dugo ang nakikita ko. Para akong binabangungot dahil sa mga nangyari.

Lumabas muna ako ng hotel at andito ako ngayon sa dalampasigan nagpapahangin at nagmumuni-muni. Gusto kong umiyak ulit ngayon kaso wala ng lumabas na luha sa mga mata ko dahil naubos na kagabi kakaiyak.

Bakit kasi nangyari pa sa amin to? Gusto lang naman namin magbakasyon para makapag-relax, pero bakit naman napunta kami sa ganitong sitwasyon?

Ang sakit lang isipin na buo kaming pumunta dito tapos pag-uwi namin pito nalang kami. Limang araw na kami dito sa isla at buong araw magdamag kaming nag-imbestiga at nag-iisip kung sino talaga ang suspect sa nangyari kay Shamey. As of now, si ate Coleen pa ang pinagsususpetyahan, ni ate Majoy. Si ate Majoy lang naman yung nagsususpetya kay ate Coleen dahil lang dun sa bracelet na nakita niya sa damit ni Shamey. Pero ako, hindi ako naniniwala na si ate Coleen ang may gawa nun kay Sham, galing sa marangal na pamilya si ate Coleen kaya alam kong hindi niya magagawa yun.

In case you didn't know, ate Coleen's father is a well-known crime investigator before. Mala-Sherlock Holmes yung tatay ni ate Coleen at lahat ng mystery murder cases na hawak niya ay nasosolve niya except lang doon sa huling case na hinawakan niya. According to ate Coleen, 4 years ago daw, while her dad was investigating, nahulog raw ito sa 5 storey building. Luckily, her dad survived. Pero nagkaroon naman ito ng traumatic brain injury kaya ang resulta parang bumalik sa pagkabata yung tatay niya. Makakagalaw siya, makakakain at makakapaglakad, pero hindi na siya makakapagsalita. Kaya yung huling kaso na hawak ng dad ni ate Coleen ay hindi daw na solve hanggang ngayon because of that accident.

Maya-maya ay nakatanggap naman ako ng mensahe galing kay Ten. Tinanong ako kung nasaan na daw ako at sinabihan ako na balik na daw ako sa loob dahil gabing-gabi na. Ni replyan ko lang siya na, 'papasok na'.

Itong si Ten kahit napaka-bully niya sa'kin, concern naman siya kahit papano. Hindi ko lang pinahalata na na-appreciate ko yung pagiging concern niya baka lumaki pa ang ulo at kung ano pa masabi. Mahangin pa naman yun.

Tumayo na ako saka pinagpag ang pajamas ko. Babalik na ako sa loob ng hotel, medyo malamig na rin dito sa labas eh. Sana naman ngayon makakatulog na ako. Hays! Tabi nalang ako mamaya kay ate Raya para may kayakap ako.

Papahakbang palang ako nang may bigla nalang nagtakip ng ilong at bibig ko. Agad akong nagpumiglas at balak ko pa sanang sumigaw kaso hindi ko na magawa dahil bukod sa sobrang lakas nitong taong nagtakip sa ilong at bibig ko, ay sobrang nakakahilo din talaga yung amoy ng panyo na ginawang panakip sa ilong ko. Wala pang 15 seconds ay nawalan kaagad ako ng malay.

Nagising ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. Hindi ko pa masiyadong maaninagan ang paligid dahil yung paningin ko ay blurred pa tapos umiikot rin ito kaya nanatili muna ako sa pagkakahiga ko. Naramdaman ko rin ang pagsakit ng ulo ko marahil dahil sa nahihilo ako at dahil din dun sa amoy nung panyo na hanggang ngayon ay naaamoy ko pa rin.

Nang maklaro ko na ang paningin ko ay bumangon na ako mula sa pagkakahiga. At talagang napatalon ako at nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng tumambad sa akin ang mukha nang taong dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako. Pinagmamasdan niya ako habang naka-smirk na parang demonyo. Nakasuot siya ng cap na black, hoodie na black, at black nitrile disposable gloves.

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon