CHAPTER 13

9 0 0
                                    

GLENN

🔞: trigger warning

Habang yakap-yakap ni ate Majoy si Ten ay may napansin naman akong isang bagay sa kamay ni Ten.

Isa na namang papel kaya kinuha ko ito at binasa ang nakasulat. I sighed after kong mabasa ang nakasulat sa papel. It's all the same. Kung ano yung nakasulat dun sa papel na nakuha namin sa kamay ni Audrey at Shamey, ay pareho lang.

"Wait, may papel na naman Glenn?" rinig kong tanong ni Khai kaya tumango ako.

"Wala ba kayong napapansin, guys?" tanong ni Khai sa amin kaya napalingon kaming lahat sa kanya.

"Na realize ko kasi na kung sino yung nakakakita o makakapulot sa papel ay siya yung tinatarget nung killer. Remember yung kay Shamey, diba si Audrey ang nakapansin nung papel? Tapos siya yung sunod na tinarget. And then nung kay Audrey, si Ten yung nakapansin ng papel kaya siya ngayon ang sinunod." explain ni Khai kaya natulala ako at kinabahan.

Tama si Khai, at posibleng ako na ang susunod nito ngayon lalo na't ako itong nakapansin nitong papel.

"Alam niyo, mas mabuti pa kung ngayon palang umalis na tayo dito sa isla." sabi ni ate Coleen, ngunit agad din namang kinontra ni ate Majoy.

"Anong aalis? Patunayan mo muna na hindi ikaw ang may gawa nito, Coleen!" galit na saad ni ate Majoy.

"Ito na naman tayo, Joy eh! Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na HINDI NGA AKO ANG SALARIN!" iritadong sambit ni ate Coleen.

"Pero galing ka dito kanina!" giit ni ate Majoy.

"At bumalik din naman ako kaagad dun sa kwarto niyo ni Raya! Wala pa ngang 20 seconds nakabalik na ako diba?! Ano yun, pinatay ko si Ten sa loob lamang ng dalawampung segundo?" tugon ni ate Coleen.

Hindi sumagot si ate Majoy pero kinakapa niya ang kamay, damit, at short ni Ten. "Ano yan, naghahanap ka ng ebidensya laban sa'kin? Ano, may nahanap ka?" tanong ni ate Coleen sa naiinis na tono.

"Naninigurado lang. Baka nakalimutan mo na ikaw lang ang nag-iisang suspect ngayon."

"Ate Majoy, tama na yang away niyo ni ate Coleen. This is not the right time na magganyan tayo. Ate Majoy, tama si ate Coleen. Kailangan na nating umalis sa islang ito. Hindi na safe ang lugar na to kahit na ang hotel na ito. Hindi niyo ba napapansin? Looks like there's something off sa mga staff ng hotel na 'to." awat ni Khai sa kanila at natigilan naman kami dahil sa huling sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin, Khai?" tanong ni ate Majoy sa kanya.

"I don't know. Feel ko lang na parang may something sa mga tao sa hotel na to. Not just dito sa hotel, kundi sa buong isla, pati na rin ang mga taong naninirahan dito." Khai answered.

"Bukod sa mga staff, wala ng ibang tao dito kundi tayo lang." wika ni ate Coleen.

"Parang inaasahan na ng mga staff dito ang pagdating natin sa islang ito." sabat ni ate Raya kaya napasipat ako ng tingin sa kanya.

Kinikilabutan na talaga ako sa tuwing nakikisali siya sa usapan. Knowing that she's the real culprit? Hays!

"Wala rin akong nakita na mga cctv cameras dito sa buong hotel. Kahit diyan sa labas, sa hallway, ay wala rin." ani Khai.

"Atsaka, naalala niyo yung lalaking staff na sumalubong sa atin pagdating natin dito?" tumango sila sa tanong ko.

"Siya yung isa sa mga otoridad na pumunta dito." banggit ko. Dun ko lang kasi na realize na siya yung lalaking staff nung nagtaka na ako kung bakit hindi siya pumayag na sumama ako sa kanila.

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon