COLEEN
🔞: trigger warning
Nang makarating kami sa detention center ay nag-fill up kaagad kami nang request form for visit. Yung nilagay kong pangalan kung sino bibisitahin ko ay kay Raya, samantalang si tito Joaquin naman ay si Sky.
Nang sabihin ng isang pulis na pumayag raw ang dalawa sa request ay kaagad na kaming pumunta ni tito sa visitor's room.
Naghintay lang kami saglit. Maya-maya ay dumating na rin si Raya at Sky. Nagulat pa si Sky nang makita kami pareho ni tito.
"A-Ate C-Coleen..." rinig kong sambit ni Sky pagka-upo nilang dalawa ni Raya.
Napalingon naman si Raya sa kanya. "Ate Coleen? Kilala mo si Coleen?" tanong ni Raya sa kanya sa hindi makapaniwalang tono nang pananalita.
Tumango lamang si Sky ng dahan-dahan. "Anak siya ni tito Joaquin, Yang." tugon ko kay Raya sabay turo kay tito na nasa gilid ko.
Nganga namang napatingin si Raya sa akin marahil ay hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nalaman. Close na siguro sila ni Sky kaya ganito siya mag-react.
"Pero Yang, kaya kami pumunta dito e dahil gusto ka naming maka-usap." pag-iba ko nang topic.
"Ano yun?" tanong niya.
"Nahanap na namin yung journal mo. At alam na rin namin kung sino ang totoo talagang salarin." pagkasabi ko nun ay bigla naman siyang napa-iwas ng tingin at napayuko.
"Kung may balak kayong imbestigahan ulit ang kasong ito, please lang Coleen, wag na. Ayoko na pati kayong tatlo ni Khai at Majoy ay mapahamak." saad niya.
"Raya, hindi mo deserve ang makulong. Wala ka namang kasalanan eh." sabi ko sa kanya.
"Ms. Arceta, bukod sa mansion ni Chairman Bramblett at sa Pantropiko Island, may alam ka pa bang ibang lugar na pupuntahan ni Ms. Bramblett kapag may ginagawa siyang hindi maganda?" singit ni tito Joaquin.
"Wala na. Sa Pantropiko Island lang talaga siya pumupunta dahil yun ang playground niya." sagot ni Raya.
"Pero bakit niyo naitanong?" tanong niya.
"Dahil may napagplanuhan kami, at ngayon nga ay ginawa na nila Khai at Majoy ang plano." sagot ko na nagpakunot ng noo niya.
"A-Anong plano?" tanong niya.
"Nakipag-bonding si Khai at Majoy sa kanya ngayon. Aacting sila na kunwari wala pa silang alam tungkol sa kung ano talaga si Shamey. Tapos e bibring-up ni Khai ang tungkol sa kung gaano ka niya kagusto at sasabihin rin ni Khai kay Shamey na gagawin niya ang lahat para makalaya ka dahil hindi siya naniniwalang ikaw ang salarin. We need to do that para ma-trigger si Shamey at para makagawa siya nang masama kina Khai." paliwanag ko sa kanya.
"Ano?! Papano kung may gagawin nga si Shane sa kanila?! Bakit naman yun ang plano niyo?!" bulaslas ni Raya.
"Para magkaroon ng matibay na ebidensya na siya nga ang psychopath na serial killer." tugon ko.
"That's why we asked you kung saang lugar pa pumupunta si Ms. Bramblett. But, don't worry, may tracker naman na dala-dala ang dalawa. Kaya kung may balak man si Ms. Bramblett na dalhin sila sa kung saan, mata-track naman natin sila." wika ni tito.
"Matalino si Shane. Papano kung malaman niya na may tracker sila Khai?" Raya asked.
"Wag kang mag-alala, Yang. Safe and secured yung tracker dahil itinago ito nang mabuti nila Majoy."
"O, diba? Sabi sayo dad eh, hindi si ate Raya ang totoong salarin. Tsaka tama rin si ate Raya, wala nang iba pang pupuntahan na lugar si Shane kundi sa isla lang." sabat ni Sky.
BINABASA MO ANG
SA ISLANG PANTROPIKO
Misteri / ThrillerBINI AU - 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.