CHAPTER 23

12 0 0
                                    

COLEEN

🔞: trigger warning

Nandito ulit kami ngayon sa opisina ni tito Joaquin nagkita-kita. "Pa'no yan ate Coleen, nakalimutan nating hanapin yung journal ni ate Raya kahapon." sabi ni Khai.

Ngumisi ako sa kanya. "Kayo lang naman ang nakalimot, pero ako hindi." tugon ko sabay labas ng journal ni Raya mula sa aking sling bag.

Habang busy kasi sila kahapon na makipag-kwentuhan kay Shamey ay pasimple naman akong pumasok sa kwarto ni Raya at hinanap yung journal niya. Sobrang tagal nga bago ko nahanap eh, nakatago kasi nang mabuti. Laking pasalamat ko talaga dahil nahanap ko ito.

Pambihira talaga si Khai. Akala ko pa naman tutulungan niya ako sa paghahanap tapos yun pala nanatili lang siya dun sa sala habang nakikinig sa usapan ni Majoy at Shamey. Buong akala ko rin nagpapanggap lang siya na nakikinig dun o di kaya nakisali lang sa usapan para madistract si Shamey, pero talagang nakalimutan nga niya talaga yung dahilan kung bakit pumunta kami sa bahay naming walo.

"Hays! Akala ko nakalimutan mo rin at hindi mo nahanap." sambit ni Khai.

"Galing mo! Kaya pala wala ka dun sa sala kahapon." awiieee! bilib ka na niyan sa akin, Majoy?

"Basahin na natin, ate Coleen." sabi ni Khai kaya binuksan ko na kaagad yung journal at sabay naming binasa ang mga nakasulat.

JOURNAL - ENTRY 01
May 18, 2014

Ngayong araw na 'to ay may nag-alok kay papa nang trabaho. Meron kasing tinulungan si papa na isang lalaki, at dahil dun sa tulong ni papa dun sa lalaki ay inalok niya si papa nang trabaho.

Nagpakilala ang lalaki sa amin, ang sabi niya ay isa daw siyang business man at ang pangalan niya ay Laurent Bramblett. Una, tinanggihan ni papa ang trabaho na inalok sa kanya ni Mr. Bramblett kaso pinilit niya si papa kaya tinanggap nalang ni papa ang trabaho.

JOURNAL - ENTRY 02
May 19, 2014

Isinama kami ni Mr. Bramblett pagbalik niya nang Maynila. Ang sabi niya kasi, mas mabuti kung dun na daw kami manirahan sa Maynila para makakasama pa rin namin palagi si papa.

Nang makarating kami sa Maynila ay agad niya kaming isinama sa mansion niya. Sinabi rin niya na ang magiging trabaho daw ni papa ay maging personal assistant at butler niya. Bukod dun ay gusto niya rin na sa bahay niya kami maninirahan.

Hindi pumayag si mama at papa nung una dahil nakakahiya daw, pero nagpumilit na naman si Mr. Bramblett kaya no choice sila papa kundi ang pumayag nalang. Sabi ni Mr. Bramblett, aside daw sa mga kasambahay niya ay siya lang daw at ang anak niya ang naninirahan sa mansion kaya mas mabuti daw kung samahan namin siyang tumira sa bahay niyang sobrang laki.

JOURNAL - ENTRY 03
June 01, 2014

First entry for this month. Inalok ni Mr. Bramblett si papa na pag-aralin daw ako sa magandang paaralan. Sabi niya kay mama at papa na wag na daw silang mag-alala sa tuition at sa kahit na ano pang bayarin dahil siya na daw bahala. In short, siya na daw ang magpapa-aral sa akin.

At first, nagdadalawang-isip pa sila papa pero dahil mapilit nga si Mr. Bramblett ay pumayag nalang sila. Isa rin sa dahilan kung bakit pumayag sila papa ay dahil sinabi ni Mr. Bramblett na officially enrolled na daw ako at binayaran na rin daw niya in advance yung tuition ko tapos kumpleto na rin gamit ko sa school.

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon