Magpapaskong nasa malayo
Malayo sa tabi niyo
Minsan tayo'y di nagsasasama sa mga araw ng pasko
Ngunit ngayon pakiramdam ko'y iba
Dahil ito'y ibang-iba sa kung saan naroroon tuwing paskoMagpapaskong mag-isa
Sasalubungin ang alas dose na pakiramdam ay nagdurusaMatutulog, magmumukmok sa kwarto
Kagagaling lamang sa tabi niyo ngunit heto ako
Gustong bumalik sa atung tahanan at sumulat sa aking kwarto.
Anong magagawa ko gayong ako'y nasa malayo
Hindi milya milya ang layo
Ngunit ako'y may responsibilidad gaya ng sabi niyo
Gustuhin ko mang umuwi ay hindi maaari.Maligayang pasko nalang
Kahit puso't isipan ko'y nagdadalamhati.
Sana ay saya ang sumaating mga labi kahit na sitwasyon ay di nakakawili.#DesyembreBenteKwartroBenteSingko
YOU ARE READING
PIYESA
PoetryMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀