Ako'y may nakita
Bagong libro, makabagong kwento
Sa unang pahina, mukha mo'y nakapinta
Hindi na nagtaka noong nakitang iba ang kasama
Hindi na nagtaka dahil alam kong hindi ako ang makakasamaTayo'y may libro
Ito'y makaluma at hindi makabago
Ang tinta'y ubos na
Wala nang susunod na pahina
Wala nang maisusulat pa
Ating estorya ay natuldokan naHindi ako magagalit,
Hindi magmamaka awa,
Hindi magtatanong kung bakit ganito
Bakit ganon,
Bakit ako'y parte na lang nang iyong kahaponDatapwat ako'y magiging masaya
Dahil makakasama mo ang sa iyo'y tunay na magpapaligaya
Malalasap ang tunay na ligaya
Maging masaya ka sana
Yung totoo at wala nang pagkukunwari paAko'y magpapasalamat
Dahil sa konting panahon ika'y nakasama
Salamat mga panahong ako'y pinasaya
Patawad sa mga panahong napaiyak kita
At sana lang suma atin ang tunay na ligaya.Marahil hindi ako ang para sa iyo
Hindi ikaw ang para sa akin
Kaya't hindi natin namalayan na iba na ang ihip ng hangin
At sa tingin ko'y ito ang siyang makakabuti't itinakdang kapalaran natin🥀-BINIBINING BENITS
(Agosto 14, 2022(Linggo))
YOU ARE READING
PIYESA
PoetryMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀