" UNA "

2 1 0
                                    


Ako'y mayroong kaibigan
Nagsimula ang samahan magmula noong kami ay nasa unang baitang pa lamang
Labing dalawang taon narin pala ang nakakaraan.

Para sa akin, siya ang pinaka una kong kaibigan maliban sa aking pinsan na kaibigan ang turingan.
Laging magkasama sa asaran man o kalokohan. Patawad nalang po sa postiso na itinakbo namin noong kami ay lokoloko palang.

Masarap magkaroon ng kaibigan, tipong masaya kahit na nagbabangayan
Pero 'di parin mawawala ang iyakan.

Sa kabila ng lahat, gaya ng sabi ko
Pati ang pagkakaibigan ay nakakaranas din ng hiwalayan.
Nang ika-walong baitang
Kinailangan niyang lumisan dahil sa kanyang lola, siya muna ay maninirahan.
Wala akong nagawa kundi tanggapin ang desiyon ng pamilya. Sa huli mas matimbang parin ang pamilya kaysa sa kaibigan. Alam ko yan.

Sa loob ng isang taon, malimit ang kamustahan dahil wala akong selpon na pang hi / hello man lang.
Kami'y minsan lang nagkita noong umuwi siya at pinakita sa selpon ang mga bagong kaibigan.
Tuwa ang siyang aking nakikita. Doon palang ay alam na mayroon nang dapat paghandaan.

Maging ako ma'y naging kaibigan pero hindi mo makakalimutan ang aking kaibigan, hinihintay lang ang pagbabalik na diko alam kung kailan.

Pagkatapos ng isang taon ay nagbalik na nga ng tuluyan. Pero ang masaklap ay magkaiba kami ng seksiyon  nang magpasukan.
Ako'y labis na natuwa sa pagbabalik niya
Pero sa iba siya ay sumama.
Naisip pa noon, sino nga ba naman ako, isang hamak na hampaslupa lang.
Pero nakaraan ay nakaraan.

Ako'y 'di natuwa noong nalaman sa isa o dalawang asignatura siya ay lumiban.
Tanong sa isipan, kailan pa niya naisip na gumawa ng ganyan?
Akin ring nalaman  na kung minsan sila'y nag-iinuman.
Siya'y akin pabang kilala o nagbago na ng tuluyan?

Siya, ikaw.

Minsan ika'y aking nilapitan, sinabing wag ka sanang maging ganyan at nang hindi ka umulit muli sa ika siyam na baitang.
Aamin sa iyo, ako'y labis na nagdam dam noong sinabi mong wala kang pake alam at mas masaya kung umulit ka kung sakali man.

Hinayaan kita. Malaki ka na.
Desiyon mo yan.

Sa paglipas ng mga buwan, nalaman ko nalang na ika'y tumigil na ng tuluyan  kasama ang iyong kasintahan.
Ewan ko ba't ako nasaktan. Pero wala akong magagawa kung ako lang ang nakaka alam.

Patawad kung noong araw tinanong kita bakit siya ang pinili mong maka tuluyan.
Laking pasasalamat nalang dahil sa ilang taong nagdaan ay hindi ka niya iniwan at pinabayaan pati narin ang dalawang anghel ng buhay niyo at sana saya ang mapa sa inyo hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Bilang isang kaibigan
Patawarin mo sana kung saan ako nagkulang.
Pasensiya narin dahil di ako mahilig magreply kung minsan at isama mo narin na gipit ako  'di lang minsan. T_T

Pero sana itanim mo sa isipan
Narito ako na isang kaibigan
Hindi man ako ang una mong kaibigan
Pero sa akin ay walang makakapalit sa katotohanan na ikaw ang una sa aking listahan.
Sa puso't isipan ay lagi kang may puwang.

Sa ngayon ay may kanya-kanya na tayong pinagkaka abalahan.
Salamat sa ala-alang nagdaan at sa susunod pa, sigurado yan.
Mahal kita, kaibigan. ABC

-Binibining Benits
#Una: ABC
(July 20, 2022 (Miyerkules))

PIYESAWhere stories live. Discover now