-Para sa isang binibini na piniling magparaya.
Hi? Kumusta? Anong maitutulong ko.
May maitutulong ba ako?
Hindi ko alam kung mayroon pero nais ko sanang malaman mo na andito lang ako laging sumusubaybay sa iyo.
Sa isang tawag ay asahang maririnig mo ang boses ko.Asahan mong andito ako palagi kahit na alam kong mayroon nang nananatili sa tabi mo.
Masakit ngunit pipiliin kong ngumiti ng pilit para hindi mo makita ang pait na lumalim ang pagkaukit noong nalaman kong may iba nang tao sa likod ng iyong mga ngiting marikit.Pilipiin kong manatili sa tabi mo kahit alam kong hindi na ako.
Pipilitin kong itago ang nararamdaman ko dahil alam kong talo na ako.
Ako'y magsasawalang kibo kahit na rinig na rinig ko ang pangalan mong bulong ng puso kong ito.Maaaring rinig mo ang tibok ng puso ko sa tuwing magkasama tayo pero piniling magsawalang kibo dahil alam mong 'di mo masusuklian ang buong puso kong ito.
Magpaparaya ako.
Magpaparaya ako hindi dahil para sa sarili ko
Kundi dahil para sa'yo
Para san pa't ipaglalaban ang nararamdamang ito kung sa simula palang alam kong hindi na magiging ako.Magiging sagabal lang ako sa kasiyahan mo at kailan man alam kong alam mo na hindi ko gustong maging dahilan ng mga problema mo.
Asahan mong kung saan ka masaya ay doon din ako.
Huwag mo sanang pansinin ang pagtitig ko sa iyo dahil tinititigan ko lang ang bagay na alam kong 'di mapapasa bisig ko.Ngumingiti ako sa tabi mo pero umiiyak ang kaloob looban ko
Ang bagay na tinatanong ko sa isipan. Hanggang kailan ang pagdurusang nararamdaman ko ?
Ito'y hindi ko masasagutan pero sana'y kasiyahan ang makamtan natin pareho pagdating ng tamang tiempo.-BINIBINING BENITS
* Binibining Luz
(July 28,2022(Thursday))
YOU ARE READING
PIYESA
PoetryMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀