" SANA LANG "

2 1 0
                                    


Ika'y aking nirespeto
Magmula pa nung bata hanggang sa paglaki ko
Saludo ako sa iyo
Naisin ko mang ipagkait ngunit ako'y humanga sa isang katulad mo

Akala ko'y noon lang dala pagkabata
Subalit nabangon noong tayo'y muling nagkita.
Muling nagka usap at muling gumawa ng mga memorya na inilathala sa estorya na akala ko'y may tuldok na.

Sa paningin ko'y ikaw yung tao
Na ituturing mong babasagin ang mga mahal sa buhay dahil ito'y aalagaan at iingatan mo ng tunay.

Sa panahong nakasama ka
Ngiti ay 'di maitago.
Sa mga kapatid ko'y tukso lagi ang inaabot ko.
Nang dahil sa'yo.

Masaya ka, masaya ako, masaya tayo.
Buo ang araw at gabi ko.
Sa pagtulog ay ngiti ang naka paskil sa labi ko
Na kahit sa panaginip ikaw ang siyang kasa-kasama ko.

PERO dumating ang hindi inaasahang panahon.
Yung gabing iyon.
Sana pinili ko nalang ang hindi ka pinuntahan para ngayon hindi ako nasasaktan
Buwan at taon narin ang nag daan pero tanda ko parin ang mga salitang binitawan

" Sino ka ba? "
Ang sakit lang, " Sino ako? " Sino ba naman ako
Isang hamak lamang na parte ng pagkabata mo.
Sana nga isang parte na lamang ng nakaraan mo.
Mananatiling isang bagay na pagsisisihan mong binitawan mo.

Totoo ngang babasagin ang mga mahal mo.
Ang pagkakamali ko lang ay ang inisip na sila'y aalagaan mo.
Ako'y hinawakan mo ngunit sa isang sit-sit lang ng isa sa nakaraan mo
Nalimutan mo na't binitawan ang puso kong hawak mo.

Masakit. Sobrang sakit.
Ako'y galit, sobrang galit dahil nagawa mong manakit.
Hanggang ngayon ay hinihintay ko ang paghingi mo ng patawad.
Hindi ko alam kung guilty ka ba o sadyang wala ka lang pake at mayroon na namang iba.

Sa ngayon bahala na muna,
Maliit ang mundo, pero sana landas natin ay 'di na muling magtagpo.
Papatawarin kita, pero taon ay palilipasin muna.
"Sino ka ba? "
O diba, ganti lang muna.

Naisin mang gumanti
Pero laman ng isipan na hindi ako katulad mo kayat 'di ko ipaparamdam sa iyo ang ginawa mo.
Lintik man ang walang ganti pero hindi ko gawain ang gumanti
Sana hindi nalang tayo muling nagkita
Nagsisisi ako na nakilala kita

Sa tadhanang ating natamo,
Sana sa huli ay hindi tayo.
Sana talaga ay sa kabila ng sakit na naranasan ko mula sa iyo
Makilala ko na ang taong aalagaan ko at ipaglalaban ako.
Yung tunay at totoo.

-BINIBINING BENITS
(Agosto 10, 2022 (miyerkules))
#abc

PIYESAWhere stories live. Discover now