"BAKIT NGA BA? "

1 1 0
                                    

Bakit kung sino pa yung akala kong ipaglalaban ako
Sila pa yung sumuko at sinaktan ako.

Napaka daya ng mundo.
Yan ang hindi ko malimut-limot
Dahil sa bawat araw at gabing nagdaan
Iyon ang laging laman ng puso't isipan

Bakit kung sino pa ang mabait 
Sila pa yung nakakaranas ng matinding sakit
Bakit hindi nalang ang  mahilig manakit ang makaranas ng matinding sakit
Nang sa ganon ay maramdaman nila kung ano ang puot at pait.

"Ayaw ko na , suko na ako"
Yan nalang ang masasabi ko
Pero anong magagawa ko  kung tuloy- tuloy parin naman ang pag hinga ko.
Malayo pa ang oras ko, yun ang alam ko.

Pero sa mga natitirang oras ko sa mundo,
Sana makasama ko ang taong magpapatibok ng puso ko.
Taong sasamahan ako hanggang sa huling segundo ng paghinga ko.
At dadalhin ang ala-ala ng pagsasama naming dalawa.
Pagsasamang puno ng iyakan at tawanan pero sa oras ng problema ay sabay na lumaban.

-BiniBining Benits
#No.6, 7
(7 • 19  • 22 (Martes))

PIYESAWhere stories live. Discover now