" PAHINA "

3 2 1
                                    


Kung sa bawat umaga ay hindi na ako ang nginingitian ng iyong mga labi.
Ano pang silbi upang sa ala-ala natin ako'y manatili?

Tila wala nang magagawa kundi mga plano natin ay isantabi.
Mga pangako'y dapat nang limutin
At 'di na isip isipin sa bawat sandali.

Minsan lumabas sa iyong labi,
Sa libro'y isusulat kung saan saan tayo nagawi.
At  magsisilbing saksi sa ating pag ngiti

Sa unang pahina palang kita nakasama ngunit ito rin pala ang kahulihulihang pahina na tayo'y magkasama.
Aanhin pa ba ang sanlibong pahina
Gayong sa aking tabi ay wala ka na.

Nobyembre 7,2023 (martes)

PIYESAWhere stories live. Discover now