Ang hirap mag-imbento ng mga bagay-bagay na maaari nating magamit sa pang araw-araw na pakikipagsapalaran.
Sa Siyensiya panga'y minsan taon ang kinakailangan.Kung gaano ito kahirap ay siya namang kadali para mag-imbento ng kwento.
Kwentong hindi matapos-tapos magmula kanto hanggang sa kabilang baryo.: "Pst. Alam mo n--- "
; "Oo alam ko. Yung si Ano binuntis ni ganito, malaki na daw ang tiyan. "
: " Kelan mo pa nalaman? "
; " Ako pa. Tinatanong pa ba yan!? "Maya't maya'y lalampasan ni Ano rarampahan na manipis naman ang tiyan.
Ipapangalandakan na mali ang bulungan sa kanto.; " Mare anong sabi mo? "
: " Ah, eh. Basta narinig ko lang kay Ganire. "Haysss 'nak nang tinapa lang
Mga kwentong kaydaling maimbento't laging dala-dala'y eskadalo
Kung pwede lang sanang mga taga gawa'y dalhin sa presinto.
Nang matahimik naman ang buhay ng ibang tao.(Oktubre 12,2022(Miyerkules))
YOU ARE READING
PIYESA
PoetryMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀