Ilang libong oras na ang nakaraan
Mga dalawang taon lang naman
Lang naman?
Akala ko nga rin "LANG NAMAN"
Pero mahirap dahil sa bawat minuto dumaraan
Ikaw ang laman ng isipan
Mga salitang binitawan
'Di ko alam
Pero aking pinanghahawakan
Kung tatanungin man
'Di ko talaga alam
Kung sa iba ika'y magnakaw tingin man
Wala akong paki alam
Walang paki alam dahil sa katuyan
Wala akong karapatan
Sapagkat unang una
Ika'y aking binitawan
Iyong kasiyahan ang tangi kong kahilingan
Kahit puso'y madurog man
Aking hahayaan
Wala akong pagsisisihan
Dahil may rason kung bakit kita iniwan
Ang mahalaga'y mayroon ka nang ibang papahalagahan
Hangad ko'y iyong katahimikan at kasiyahan
Masaya ako sapagkat mananatili akong iyong kaibigan
Ikaw parin sa ilang libong oras na nagdaan
Pero kahit na ganon
Rason ko'y nanatili hanggang kasalukuyan
Kung tayo'y sa isa't-isa may kinabukasan
'Di natin alam
Salamat sa nakaraan
Ingat ka, mayroon ka pang papahalagahan
Ciao!
YOU ARE READING
PIYESA
PoetryMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀
