" BALIK TANAW "

4 2 0
                                    

Sa kalagitnaan ng ating pag-uusap
Ninais mong alamin ang aking masasabi sa tula na iyong ginawa
Sinabi mong para sa iyong pamangkin at kinabukasan ito'y ipapasa

Agad ko itong binasa
"Paano" ang inilagay mong pamagat niya.

"Paano kung ayaw mo na?
Paano ba'ng mag-isa
Kung nasanay na'ng aking mundo
Na umikot lang sayo.
Paano bang limutin ka
Kung puso'y hinahanap ka.
Turuan mo naman ako
Dahil di alam kung paano."

Pagkabasa ko'y nagduda
At sumagi sa isipan na imposibleng ito'y para sa pamangkin mo.
Hindi ko alam ngunit nadama ko
Na ika'y may gustong sabihin ngunit 'di mo kayang i-deretso

Ang sabi ko'y kulang kaya't agad dinag dagan

"Paano kung ayaw mo na
Paano ba ang mag isa?
Katanungang sa isipan ay nakapinta
Dahil nasanay nang ang mundo'y umiikot sayo sinta.
Paano bang limutin ka?
Kung puso'y hinahanap hanap ka
Turuan mo naman ako
Dahil di alam kong paano
Oras na nga ba para ako'y huminto?"

Agaran mong sinabi na iba ang bersyon mo kaya't akoy tumahimik at naghintay sa kung ano pang sasabihin mo.

"Sa lahat ng nagawa
Ikaw lang ang tama
Bigla pang mawawala."
Iyon ay dinagdag mo

"Tila parang bula na bigla bigla nalang nawawala."
Pagkukumpleto ko

Ika'y nakuntento sa kinalabasan ng dialogo.
Ngunit ako pari'y  takang taka bakit 'di mo nalang ako diniretso

Bigla bigla, may dinagdag ka pa palang

" Tao lang tayo
May kahinaan pagdating sa mga tukso.
Ngunit sana'y patawarin mo
Dahil hindi ko alam kung paano ang ibigin ka."

Ang sabi ko'y tama ka, mahirap ang matukso.
Pero paano ka matutukso kung may pagpipigil ka
At may minamahal kang totoo.
Isipin mo ang minamahal mo at turuan ang sarili kung paano makuntento.

Mag tatatlong taon narin ang nakalipas,
Bigla akong napa iskroll back nang pangalan mo'y nakita ko sa inbox.
Tulang gawa'y napansin ng matang minsan sayo'y umiyak.

Salamat at patawad sa lahat.

PIYESAWhere stories live. Discover now