Mundong ibabaw ay hindi pa nasisilayan
Ngunit 'di pagkakaintindihan ay matagal nang isinilangDalawang dekada na ako na mundong sinilangan
Ngunit hidwaan ay hanggang kailan?
Ito'y isang rason ng aking paglayo
Ngunit sa bawat pag balik ko
Tila apoy na nagliliyab,
Nakakadurog ng puso.Nakakapagod isipin kung hanggang kailan ang lahat ng ito.
Hanggang kailan nga ba ang problemang ito?
Akala ko'y natapos na ngunit tila ito'y nasa kalahati pa.
Nakakasawa na.Umayaw man ay walang magbabago
Siguro nga'y hihintayin nalang ang panahon
Kung kailan masasaksihan ang katapusan ng 'di matapos tapos na sakit sa aking isipan.#'TilWhen?
(MarsoKatorseDosmilBaenteTres)
Martes
YOU ARE READING
PIYESA
PoetryMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀