" U N A A T H U L I "

1 1 0
                                    


                             

Sa bughaw na kalangitan
Ika'y parang butil ng ulan
Na dumating nang hindi inaasahan
Malimit lamang na ika'y masilayan
Tuwing umaga ng linggo ika'y aking inaabangan
Pinag-aaraln ang iyong katauhan
Punagmamasdan, tinitignan ang itong mga mata na kumikinang na parang mga tala sa kalangitan

Hindi mo lang alam
Ngunit nagagalak, nabibighani na ika'y pinagmamasdan sa likod ng kurtina ng aming munting tahanan.

Sa bawat linggong nagdaan
Ngiti mo ang nagsilbing umagahan
Mga ngiting nasisilayan
Dahilan ng pagkahulog ng lubusan
Minsa'y sumagi sa isipan
Darating kaya ang araw na ito'y masusuklian?

Mula noong araw na ika'y nakasalubong sa daan
Ika'y aking sinubaybayan
Araw, buwan at 'di ko namamalayan ay taon na pala ang nagdaan
Taon na ika'y palihim na hinahangaan
Tibok ng puso ko'y 'di nagbago
Tumitibok ng mabilisan sa tuwing ika'y sumasagi sa isipan

Isang buwan ang nakalipas magmula noong sumagi sa isipan na ipagtapat ang aking nararamdaman
Ngayong huling linggo ng kahuli-hulihang buwan ang aking pagsasakatuparan
Ako'y walang hihintaying kasagutan
Basta't ang sa akin lang ay masabi ang pagsintang nararamdaman  sa taong dahilan ng mga ngiti sa labi
Taong una't huli na nagpapatibok ng puso ko sa taon na nagdaan.

Ngayong umaga ikaw ay aking inabangan ngunit hapon na noong ika'y nakitang naglalakad ng mabilisan
Ang iyobg mga mata'y walang ningning na ngayon ko lamang nasaksihan
Imbis mga luha'y dumadaloy sa pisngi na inaalis mo ng agaran

Napakabilis ang tibok ng aking puso
Bakit ganon? Ako'y nasasaktan.

Ika'y patungo sa kakahuyan
Ako'y nagkukubli sa mga halamang nadadaanan
Sarili'y 'di ko mapigilan sapagkat nag-aalala sa'yo
Ninanais malaman ang dahilan sa likod ng mga luha na iyong pinapakawalan.

Sa 'di kalayuan ay naaninag ang isang binibini
Siyay napaka ganda
'Di nakakasawang tignan
Sa kabila ng lahat tila may mali na 'di ko mawari

Puso'y kumirot nang siya'y iyong malapitan
Niyakap mo ng mahigpit na tila ayaw mong pakawalan
Sa gandang taglay niya'y 'di ko maisip na sana'y ako nalang yung tao na ayaw mong pakawalan
Masasabing tadhana ang tanging nakakaalam

Kayo'y biglang nag-iyakan.
Sa anong dahilan?
Tila kayo'y may pinagdadaanan marahil ang kaninay kapapansin lang

Heto na naman.
Sumikip ang dipdib ko noong siya'y hinagkan mo ng marahan.
Saksi ang bilog na buwan sa sakit na aking nararamdaman
Nanghihina ako
Gustuhin mang lumayo ay 'di na kaya ng katawan ko.
Heto parin ako nagmamasid sa malayo
Minamasdan ang mahal ko kasama ang sinisintang husto.

Mga  mata'y ipipikit muna.
Sandali lang
Isa...
Dalawa...
Tatlo...

Kasabay ng pagbukas ng aking mata ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Bilog na buwan ay wala na sa kalangitan
Sa pagbuhos ng ulan ay pag-agos ng iyong mga luha

" Bakit, Bakit mo ako iniwan!? "
Bakit? Iniwan?
Ika'y sumisigaw nagtatanong sa kawalan
Sa anong dahilan?

Makasarili na kung makasarili
Alam kong hindi ito ang tamang oras ngunit sa tingin ko'y ito ang natatanging oras  para sabihin ang nararamdaman
Tila sa susunod na linggo
Ika'y 'di na masisilayan.
Kirot ng puso ko'y lumalala sa 'di ko alam na dahilan.

"Ma-..... "

Tila hindi ko alam ang susunod na mga pantig.
Puso'y tumitibok ng kay bilis
Kay bilis na kaysakit

"Mah-.. ... "

Ako'y nanghihina
Ika'y 'di ko na makita
Paningin ko'y nagdidilim na
Ito nga ba'y huli na?
Bakit? Bakit?
Kung sana lang may ikaw at ako.
Pero huli na
Huli na nga...

Kung gayon,
Nais kong malaman mo na...

"Ikaw lamang ang una at huli. Mahal kita. Paa-      -lam. "

10•29•22
Sabado

PIYESAWhere stories live. Discover now