Unang araw pa lamang
Kay sarap mo nang pagmasdan
Tinataglay mong kagandahan
Ay hindi nakakasawang tignan
Sa hinaba-haba ng taong pinag samahan
Ikaw parin ang laman ng aking puso't isipanTingin ko'y napaka suwerte
Sapagkat nakilala ko and dyosa ng kalikasan
Kahilingan ko'y makasama ka hanggang sa dulo ng walang hanggan
Kahit hindi ka man maniwala'y
Akin paring susubukan
Pangako 'yanPaglipas ng mga taon at buwan
Isang pangyayari ang hindi ko inaasahan
Ang biglaan mong paglisan
Tabi ko'y iniwan ng biglaan
Parang sanggol na inabandona sa labas ng simbahanKay sakit ng aking lalamunan
Tila may nakatusok na tinik
Na hindi ko alam kung paano ko lulunasanKahapon lamang ay kay tamis ng mga ngiting namumutawi sa labi
Kahapon lamang ay ika'y sabik na nagkukwento na animo'y nakikiliti
Kahapon lamang ay kay saya mo sa aking tabi
Ngunit bakit?
Ano'ng nangyari?Ako'y nagtataka
May nagawa ba akong mali?
Bakit kailangan mong umalis na wala man lang pasabi
Gulong-gulo ang isipan
Anong rason ng pag-alis sa aking tabiLibo-libong minuto ang nagdaan
Heto na naman ako
Naka tulala't naka tingin sa walang hanggan
Lunod na lunod na ang isipan
Kakaisip kung ano nga ba ang iyong dahilanBumalik ka sana sinta
Dahil nais ko ang iyong kasagutan
Kung;
"Ba't 'di man lang napaalam "
Hihintayin kita dahil kailangan ko pang patunayan ang pangako kong ika'y makakasama hanggang sa dulo ng walang hanggan(Setyembre 18,2022 (Linggo))
![](https://img.wattpad.com/cover/343278957-288-k908646.jpg)
YOU ARE READING
PIYESA
PoesíaMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀