Nais kong nang tumayo sa sarili kong mga paa
Ngunit ayaw pa ni mama't papa
Aalis lang naman sandali dahil sa tingin ko
Ako'y masyado lang naka dipende sa magulang ko
Masyadong sinanay na sila'y nasa tabi
Kung kaya't mahirap ang mawalay ng kahit sandali
Nais kong tumayo, ang lumayo
Ito'y ninais hindi dahil ayaw ko nang manatili sa tabi niyo
Kundi upang tulungan ang sarili ko
Upang labanan ang takot na baka hindi ko maitayo ang sarili ko
Susubukan ko, sinisubukan ko
Magagawa ko ito dahil gabay niyo ang siyang kinakapitan ko
Sana lang ay magawa ko.
Kakayanin ko
Para sa inyo at para sa kinabukasan ko
(Setyembre 17, 2022 (sabado))
YOU ARE READING
PIYESA
PoesieMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀
