Mahal kita.
Mahal kita!
Mahal kita~
Mahal kita?Maraming beses kong narinig yan na sinabi sa akin
Sinabi mo sa akin
Pero asan ka? Wala na.Wala diba,
Ni anino mo'y 'di na nagpakita
Duwag ka,
Sa kasalanang ginawa
Ako'y hinarap sana
Kung tunay ka sana'y nagpakita kaMakikinig naman ako sa'yo eh
Alam mo yun
Papatawarin naman kita
Basta't magpapakatotoo kaPero bakit mas pinili mo parin lumayo
Ang magloko at magtago
Ang kumubli sa'yong aninoBawat bagay ma'y hangganan
At ganun rin ang pang-unawa ko na pinili mong sinayangMahal kita? Ako'y mahal mo nga ba?
Tila sa akin ay sinira mo ang kahulugan na pinaghirapan ng iba.
Pero ramdam mo sana na tunay na minahal kita.Sana ika'y malimot na
Nang sa ganon ay madama ko muli ang saya.(Agosto 19,2022(biyernes))
YOU ARE READING
PIYESA
PoetryMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀