Musta na? Nasa maayos ka naman diba?
Sana.
Ako?Tatanungin mo ba ako?
Oo nga pala, kailan mo ba kinumusta ang isang tulad ko.
Musta? " Hindi ko alam. "Sa totoo lang ako'y lubhang nasasaktan na
Sitwasyon nating dalawa ay hindi ko na kaya,
Kinakaya ko lang dahil ito nga'y para sa ating dalawa
Kinakaya ko kasi akala ko' kinakaya mo rin sinta
Ngunit nagkamali lang palaKung ano tayo ay bagay na hindi ko matanto-tanto magmula pa nu'ng una
Basta't sinabing mahal mo ako at ikaw ay mahal ko.
Ano ba talaga tayo?
Anong meron tayo.?Sa'n ba ako sumobra sinta?
Sa'n ba ako nagkulang?
Hindi ako nagkulang na iparamdam kung gaano kita sinisinta.
Sana nadama mo yun, pero anong aasahan ko kung ni simpleng tanong ko kung ano ba tayo, kung ano ang meron tayo ay hindi mo masagot at masabi saakin ng diretso.Pwede bang umalis kana sa isipan ko?
Pwede bang umalis ka na sa buhay ko?
Pwede bang wag ka nang magparamdam sa buhay ko pagkatapos ng lahat ng ito?
Titigil na, susuko na kasi nakakasasakit na,nakaka durog na .
Nakakasawa na.Huling pwede ba,
Pwede bang tama na?-BINIBINING BENITS
(AUGUST 6, 2022(Saturday))

YOU ARE READING
PIYESA
PoetryMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀