(Read while playing Alchemy of Souls OST playlist)
Tayo'y nagkakilala ng hindi inaasahan
Sa isang liblib na lugar na kalaunan ay nagsilbing ating tagpuan
Kung tayo'y magbalik man
Hindi na gaya ng dati ang iyong nararamdamanIka'y parte ng aking nakaraan
Pero hindi ito sapat na dahilan
Para limutin ang mga ala-alang minsan ay nagbigay sa akin ng kasiyahanAla-ala kung saan minsa'y tayong dalawa lang,
Ako lang.Masayang naghahabulan sa ilalim ng makulimlim na kaulapan
Dama ang lamig na simoy ng hangin
Ngunit 'di pinapansin sapagkat ikaw ay nandiyanMagkasama sa itaas ng puno't mga ibon ay nag-aawitan
Magandang tanawin ay iyong kinagigiliwan habang ako'y ikaw lang ang pinagmamasdanMagkasamang nahahilata sa damuhan
Magkahawak kamay habang nakatingin sa kalangitang nagmistulang kalawakan
Sa paningin ko'y ang natatanging bituin ay ikaw langMga bituing nagkikislapan ay kay gandang tingnan
Laking galak ko sapagkat magkasamang nasaksihan
Sa pagdaan ng bulalakaw na hindi inaasahan
Wala akong ibang kahilingan kundi ikaw at ako'y magkasama hanggang sa dulo ng walang hangganNgunit isang araw muli ang dumating ng hindi inaasahan
At sinabi sa aking hindi na magpakita kailanman
Wala kang sinabi na sapat na dahilan
Puso ko'y winasak mo, bakit ika'y ganyan?
Nararamdama'y hindi paman din nasabi ng tuloyan pero sana ito ay alamNakangiting sinasariwa ang nakaraan
Pero mga luha'y pumapatak na naman
Salamat sa pagiging parte ng aking nakaraan.Sa ating muling pagkikita ay hindi na ako ang pinili mong ipaglaban
Gaya ng sabi, mga ala-ala nalang nating dalawa ang iuuwi sa aking tahanan
Salamat muli,
Hangad ko lang ay iyong kaligtasan at kasiyahan.
Mananatiling ikaw hanggang sa dulo ng walang hanggan.-BIBINING BENITS
#SEO_YUL × #NAKSU Ispired 😢
#AOS 🤧
(August31, 2022(Wednesdaynight))
![](https://img.wattpad.com/cover/343278957-288-k908646.jpg)
YOU ARE READING
PIYESA
ПоэзияMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀