" PAREHO "

1 1 0
                                    


Kadalasan naririnig ko, nababasa ko
Mas marami ang piniling manatili bilang magkaibigan kaysa magkaroon ng lebel na magka sintahan
Kesyo mas mabuti pa dahil mananatili at walang " break up"na kaganapan.
Na mas mabuti 'di gaya ng i-aangat ang lebel tas pag-may hindi nagkaintindihan,
May mangyayaring iwanan.

Sa ating buhay, napakarami nating pinagdadaanan at pagdadaanan pa lamang.
Napakaraming dapat malaman at pag-aaralan.

Mga sitwasyon gaya ng ;
dahil sa isang maling impormasyon ay nauwi sa 'di pagkakaunawaan at hiwalayan.
Sa isang mapanirang salita, tumutungo sa awayan at sakitan.
Sa dalawang klase ng lebel
Parehas na nangangailangan pang-unawa at wag padalus-dalos na desisyon para sa pagitan.

Sa totoo lang, ang pagkakaibigan ay para ding relasyon ng isang magka sintahan.
May masayang samahan at masalimuot na karanasan.
Masaya kapag parehas na sumubok at lumaban
Pero ang masakit sa lahat
Ang pagiging magkasintahan at magkaibigan ay mayroon ding hangganan.

Yung pinili ninyong manatiling magkaibigan kaysa magka sintahan para lamang isalba ang inyong samahan pero sa pag lipas ng panahon kayo rin ay nagkanya kanya dahil mayroon nang sariling pinagkakaabalahan.

Salamat nalang sa lahat ng masasaya at masalimuot na pinagsamahan.
Mananatili sa isipan ngunit kailangan nang ibabaon sa kailaliman.

-Binibining Benits
#Inspired by real life situation
(7 • 19 • 22 [ Martes])

PIYESAWhere stories live. Discover now