Malayo ang ating pagitan
Ika'y langit at ako'y impyerno
Minsan nasabi ko
Ika'y aking Edward Cullen pero ako'y hindi ang iyong Bella Swan.
Pag naaalala ko'y medyo nahihiya pero wala nang magagawa sapagkat nataposna't parte na ng nakaraan.Sa mga buwang nagdaan,
Napagisip-isip na kung itutuloy ang nasimulan ay maaaring mauwi lamang sa masalimuot na kapahamakan.
Ako'y nagkasala.
Oo alam ko, tanggap ko na walang ibang masisisi kun'di ako.
Nagpakita ng motibo pero hindi rin naman makikipaglaban hanggang dulo.Patawad, dahil lahat nagkagulo.
Patawad sapagkat pinili kong huminto.
Piniling huminto hindi dahil may iba nang nagpapatibok ng puso
Pinili ko dahil alam kong mas makakabuti sa akin at sa iyo.
Bata pa tayo. Alam mo, alam ko.
Sinabi mong naiintihan mo
Salamat ginoo.Mahirap pero kailangang tanggapin na kung ano ang meron tayo ay maaaring itinakdang may' hangganan.
Panghahawakan nalang ang kasabihang "Kung kayo ang itinakda, magkalayo man kayo at may nakitang iba, sa isa't- isa pa rin ang bagsak niyo at wala nang iba. "Kapag mayroon kang nakitang iba
Wag ka sanang mag-alala
Hindi mo kontrolado ang puso mo kapag ito'y pinatibok ng iba.
Kahit pa tumulo ang luha ako'y walang magagawa.
Sana lang sa huli ay pareho tayong masaya sa isa't-isa o kahit pa sa piling ng iba.
YOU ARE READING
PIYESA
ПоэзияMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀