" MUNTING PAALALA "

1 1 0
                                    

Likas na ata sa atin ang magkaroon ng insecurities sa ating pagkatao.
Laging ikinukumpara ang pisikal na anyo sa ibang tao. Mula buhok hanggang sa dulo ng ating kuko.
Minsan, ni isang kakayahan ay hindi biniyayaan.

Mga panahong may nakitang maganda, Hindi ka naman tomboy pero, "Ang ganda niya." Tapos sasabihin. "Sana ako din. "
Pagka uwi haharap sa salamin, Ngingiti, sisimangot. Naghahanap ng anggulo kung saan pwedeng sa paningi'y maganda din. " Ang ganda ko " sinasabi, ngunit maya't maya babawiin. Titingin sa sariling mata at  tatanungin, maganda ka? Sabi nino? Titingin sa malayo, ayan na naman ang over thinking.

Pag may nakasalubong na mabait.
"Ang bait niya grabe. " "Eh ako, maldita na nga sabog pa. " Mapapasabi ka sasarili lalong lalo na kapag ikaw yung pinipilit mabago ang sarili pero lumalabas parin yung tunay na ugali.

"Ang puti niya. " "Ako, marami na ngang pilat, maitim pa."Hindi matapos tapos na pagkukumpara ng pisikal na anyo sa kung ano ang meron sa  ibang tao.

"Sana lahat hatid sundo. " Heto yung panahon na mapupunta nanaman sa isipan ang estado ng buhay na tila pinagkait ng tadhana.
Kung bakit nananatiling nasadlak sa kahirapan.

Araw, buwan, taon na laman ng isipan
"  Hindi ba pwedeng ganito? ganyan?Bakit , bakit ako ganto. Bakit kailangang ako pa ang makaranas ng ganito? " Araw-gabi humihikbi. Hindi alam kung kanino magsasabi.

Insecurity ang isa sa pangunahing problema lalo na ng mga binibini.
Ang gamot ika nga nila ay hindi pa naimbento.
Pero ang tanging makakalunas lamang nito ay ang sarili at sa tulong narin ng ibang tao.

Ako'y medo siga na mula pagkabata ay nakasanayan na, lumabas ng nakapalda ay hindi ko kaya maliban sa uniporme na isinusuot tuwing may klase.
Nang magdalaga'y siyempre,nagsimula nang maikumpara ang sarili.

Sa tuwing inaatake ng kademunyohan.
Lagi-lagi  si ina'y ako'y pinapagalitan, pinaaalahanan. Sinasabing maswerte ka padin sa maraming dahilan.

Hanggang sa minsan sumagi sa isipan,
Oo nga naman. Salamat nalang at may tig lima akong dalari sa kaliwa at kanan. Kamay o paa man.
Nakakakita, nakakarinig at nakakapag salita din.
Kumakain tatlong beses isang araw 'di gaya ng iba na ni isang kutsara ng kanin ay wala silang makain.
Swerte ko pa din kasi 'di ko kailangang lumuhod, makandarapa para lang may  makain.

Nais ko lamang ipaalala, maganda ka. Kung sinasabi ng iba na wala kang tinataglay na ganda, tanungin mo sa sarilio, sino ba sila. Itatak sa isipan na hindi mo kailangan ang opinyon ng iba at wala kang ibang pakikinggan kundi ang sarili mo at ang mga taong nasa paligid mo na nandiyan patuloy na gumagabay at sumusuporta sa'yo.

Mahalin mo kung sino ka sa akala mo hindi kung sino ang gusto ng ibang tao.

-Binibining Benits
(7 • 10 • 22)

PIYESAWhere stories live. Discover now