Hindi mo nakikita ang nakikita ko
Hindi mo naririnig ang naririnig ko
Mga nagbabagang tinging naka pukol sa'yo
Ang mga nakakabinging bulungan ng mga taong nakapaligid sa'yo
Naaawa ako sa sarili ko
Dahil walang ibang makakapansin kung 'di ako
Paminsan minsan sinasabi ko sa sarili ko
Na mas mabuti na ang ganito
Yung ako lang ang nakakapansin
Yung ako lang yung apektado
Para hindi ka masaktan
Sa katotohanang
Iba ang nakikita mo
Sa kung ano ang ipinapakita sa iyo
[Oktubre 3,2022 (lunes]
YOU ARE READING
PIYESA
PoesíaMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀
