Sa dami ng problemang dumarating
Ako'y napapatanong.
Kung ako kaya'y may mararating
Kung ako kaya'y may silbi sa mga magulang namin
Napakaraming gastusin
Napakamahal ng bilihin
Ngunit ang gagastusin, saan kukunin?
Si mama't papa
Sa akin, sa amin ay walang lihim
Sa tuwing problema'y dumarating
Buntong hininga ang siyang masasalamin
Awa sa kanila ang siyang aking kinikimkim
Kung maaari lang sana na kamay ng orasan ay aking paikutin
Nang sa ganon ay makatulong man lang
Lalong lalo na sa pinansiyal na unang una sa listahan namin
Sa bawat bagyo't biyayang pinagdadaanan natin
Salamat ina
Salamat ama
Sapagkat kayo'y nandiyan para sa amin
Sana'y humaba pa ang inyong buhay
Nang sa gano'n ay mabigyan kami ng pagkakataon
Upang kami'y makabayad sa sakripisyo'paghihirap na inyong pinagdaraanan dahil sa amin
Pero kahit anong mangyari
Ang utang na loob ay hinding hindi mababayaran
Ng kahit na ano o sino man sa mundong ginagalawan natin
Ama, Ina
Salamat na pagmamahal na ipinaparamdam ninyo sa amin
At patawad sa lahat, sa sakit ng ulo na dulot namin
Hinihiling sa Maykapal
Na sana sa hinaharap ay ginhawa na ang siyang malalasap natin
(Setyembre 12, 2022 (lunes))
YOU ARE READING
PIYESA
PoesiaMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀
