" MALI BA ANG MAHALIN KA? "

9 1 0
                                        

Ako'y minsan may nagustuhan
Sabi ko sa sarili
Ito'y mananatiling mababaw at panandalian lamang.
Pero sadyang may mga bagay na hindi natin inaasahan
Paglipas ng mga araw, linggo at buwan
Nararamdaman ko'y lumalim at nahulog ng tuluyan.

Ewan ko kung bakit nagkaroon ng nararamdaman gayong hindi naman kita nakasama ng personalan.
Ni naka kwentuhan o nag ka hi, hello man lang

Napaka babaw ko ba kung sasabihin kong sa araw-araw kong pagtingin sa iyong larawan ang siyang naging dahilan ng pagkahulog ng tuluyan?
Sa ibang tao, tila ito'y isang kahibangan
Na ang nararamdaman ay walang kahahantungan

Tama nga siguro sila
Nararamdaman ay pawang kahibangan lamang.
Nagmamahal na ako lang ang nakakakaalam.

Hindi ko alam kung hanggang saan  ag makakayanan
Aking napagisip-isip din minsan
Anong gagawin ko para mawakasan itong aking kahibangan
Kailangan na ng puso't isipang maliwanagan.
At sa madaling panahon ay nais ko nang malaman ang kasagutan
Dahil alam kong dito nakataya ang kinabukasan ng puso kong nagmahal ng taong 'di alam na may tulad kong nilalang.

Mali ba ang mahalin ka?
Hindi, hindi mali ang mahalin ka.
Mali lang na minahal kita.

-Binibining Benits
(7 • 14 • 22 [Thursday])

Ispired by Real life situation as a fan.
#SWP #ARMY

PIYESAWhere stories live. Discover now