Sinabi ko sa sarili na sanayin nang mag-isa sapagkat sa tabi ko'y wala ka na
Sanayin ang sarili na sa bawat problemang damating ay dapat kayanin dahil ika'y wala na sa tabi upang magsabi ng "Kaya natin to dahil tayo'y magkasama "Wala ka na sa tabi upang punasan ang mga mata sa tuwing lumuluha
Wala ka na upang magsabi ng "Tahan na"
Kakayanin ko naman basta't bigyan ng pagkakataon na sanayin ulit ang sariling mag-isaIkaw nga'y nagpaalam na lilisanin na ang aking tabi
Humingi ka ng oras at espasyo para magisip-isip ng sandaliPinagbigyan kita sa pagkat ito'y iyong nais
Ikaw nga'y lumayo gaya ng iyong ninanais pero bakit hindi mo sinabi na lisanin ang mundo ang siyang tunay mong ninanaisSana pinili mo nalang ang lumisan lamang sa aking tabi kaysa ang ang hindi na kita makita pang muli
Akala ko'y sasanayin ko ang sarili na muling mag-isa sapagkat ika'y may nagugustuhan ng iba
Yun pala'y sasanayin ang sarili na hindi ka na muling makikitaTila akoy pinaparusahan ng iyong pamamaalam
Mahal ang puso ko'y dala mo noong pinili mong lumisan
Ang sanayin ang sarili na wala ka sa tabi ay kaylanman hindi mapag-aaralanIto'y mananatiling dusa hanggang kamatayan
YOU ARE READING
PIYESA
PoesiaMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀