2004
ERNESTO Dela Fuente got up from the bed. He should be already dozing off from the good sex he just had but he couldn't. No matter how hard he tried, he just could not sleep.
He tossed the blanket aside, exposing his lightly tanned skin shimmering with a thin film of sweat. His muscles etched hard and deep all over his body that was thinly haired at the right places.
Napagawi ang kaniyang tingin sa nakaniig, si Allyssa. Her straight hair scattered, occupying most of the pillows. Magaan ang pagkakapikit ng singkit nitong mga mata na may naggagandahang mga pilik. Ibig sabihin ay masarap ang tulog nito. Her sore lips slightly upturned in her slumber.
Ibinalik ni Ernesto sa harap ang tingin at pataas na sinuklay ng mga daliri ang buhok. Masidhi ang pitik ng kaba sa kaniyang dibdib dahil ito ang unang beses na nagkama siya ng babae nang walang proteksiyon.
'Get real. You're not nervous that you didn't use protection, because she consented to this honeymoon sex. What you're really feeling is guilt, because you have no feelings for her,' usap niya sa sarili gamit ang isip.
See, he didn't really love Allyssa Bernardino. Nasulsol lang siya ng ama na paibigin ito, na ligawan ito kahit wala siyang nadarama para dito. At umabuso pa ang ama niyang si Don Timoteo sa pamamagitan ng pag-utos sa kaniya na pakasalan ang babae.
Their marriage was for their ranch's benefit. Anak kasi si Allyssa ng pinakamayamang may-ari ng ilang horseback riding clubs at country clubs sa Tagaytay. Bukod sa mga club na iyon ay naggagandahang mga breed ng kabayo raw ang ipinapadala ng pamilya Bernardino sa mga Silvestre. Siyempre, gagawa si Don Timoteo ng paraan para maagaw ang supplier ng mga kabayo ng mga Silvestre na mortal nitong kaaway. So, he came up with the most wicked plan yet—to fool an impressionable, carefree woman into marrying Ernesto for connections. Because their marriage would also mean having the power to make the Bernardinos cut off their business transactions with the Silvestres.
Bakit naman pumayag si Ernesto? Of course, to please his father. Also, he didn't really care whoever he marries. Wala kasi sa isip niya ang ma-in love sa kahit sino o ang magseryoso sa isang relasyon dahil wala siyang interes pagdating sa romansa, sa pakikipag-date. Natanggap na niya na hindi siya iibig at hindi matututuhan iyon, kaya wala lang para sa kaniya ang ikasal sa babaeng hindi niya mahal. Besides, he believed this would be the most responsible thing to do as the eldest child in the family—to obey his parents and help the family with their business, even if it meant stepping on other people.
What was even the sense of marrying for love? Sa huli naman, hindi pag-ibig ang magpapaikot sa buhay ng isang mag-asawa kundi ang pagiging committed sa desisyon nila na magsama habambuhay at gawin ang mga responsabilidad nila bilang mag-asawa at bilang mga magulang ng kanilang magiging mga anak. Hindi ito naiiba sa isang business deal o contractual agreement na bihasa na si Ernesto dahil hinubog na siya ng ama para humalili rito balang-araw sa pamamahala sa kanilang mga negosyo. Kaya ganoon na lang din ang gagawin ni Ernesto. He would treat his marriage with Allyssa like a simple business deal.
He wasn't worried about how Allyssa would feel about this. She was younger than him by several years—she was twenty-four and he was thirty-one—so it would be a challenge for her to understand his mindset, but he believed that they would meet halfway soon. Tiyak niya kasing paglipas ng mga taon ay magkakatulad din sila ng pananaw ni Allyssa. Hindi rin naman niya hahayaang maging pabigat sa isa't isa lalo na sa angkan ng mga Dela Fuente ang kanilang pagiging mag-asawa.
Ernesto got dressed in a pair of loose white linen pants that matched its white linen scoop shirt. Lumabas siya para maglakad sa poolside ng nirentahan nilang resthouse at tumungo sa dulo nito kung saan may isang balkonahe. Pumagaspas ang magaan niyang kasuotan dahil sa hangin kaya pasayad-sayad ito sa kaniyang balat.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto Dela Fuente did everything to please the people around him, particularly his father. He even tied himself into a marriage that was purely for their business' convenience. Eventually, he was already fathering a child. He became this responsib...