TINANAW ni Ernesto ang paglapit ni Joan sa sasakyan ni Kyle. Mabilis namang bumaba ang kaniyang kanang-kamay. Iniwan nitong bukas ang pinto sa driver's seat at pinagbuksan nito ng pinto si Joan sa passenger seat.
Lingid kay Ernesto na kanina pa nakapuwesto sa pinto ng mansiyon si Allyssa. Nakamasid at nakasunod din ang tingin nito kay Joan. Nang inalis nito roon ang tingin, saktong nakalapit na si Ernesto rito.
"Love," she called softly, turning to face him completely.
Maingat itong humawak sa kaniyang mga balikat at hindi na kinailangang tumingkayad. Siya na kasi ang nagkusang yumuko para masambot ng mga labi ang magaang halik ni Allyssa.
She immediately pulled away. "Who is she?" tanong nito bago tinanaw uli sina Joan.
Sinundan niya ng tingin ang tinatanaw ng asawa. Saktong nasa loob na ng kotse si Joan. Si Kyle na lang ang nakikita nila. Umikot ito sa harap ng kotse bago nakapuwesto sa driver's seat niyon.
Nang ibalik niya ang mga mata kay Allyssa, nahuli niya ang pagkakatitig nito sa kaniya. Nakipagtitigan siya sa pares ng tsinitang mga mata na tila nakikiusap. Pagkatapos ay tumaas ang sulok ng kaniyang mga labi, hindi nga lang abot sa kaniyang mga mata ang kaniyang magaan na ngiti. He fondly thumbed the space beside the corner of Allyssa's lips, forgetting his knuckles were bandaged and setting aside the small prickle of pain that the gesture brought to him. What mattered for him at the time was to be able to do that small gesture to Allyssa. He had to, lalo na at nagiging sensitibo ito at mapaghanap ng paglalambing dahil nagdadalang-tao.
Sinagot din niya ang tanong nito. "Siya 'yong nabanggit ko sa 'yo kahapon. Si Joan."
Malambot na gumusot ang mukha nito. "Bakit nandito siya sa hacienda? Kahapon lang, galit na galit ka sa babaeng 'yon." Then, she lowered her eyes and murmured. "Kahit ako, naiinis sa kaniya. Dahil sa kaniya, 'yan ang inabot mo." Itinuro ng nguso nito ang benda sa kaniyang kamay na nakahawak sa pisngi nito.
Mapang-unawang ngumiti si Ernesto. "May hindi inaasahang pangyayari. Sa ngayon, makikitira siya kina Kyle."
Nagulat ito. "Bakit?"
Pinagbuksan niya sila ng pinto at tumabi para magbigay-daan kay Allyssa. Inabot ng kabila niyang kamay ang isang braso nito. He gently pulled her close until he could reach the back of her waist.
"Kasi," maingat niyang alalay sa asawa papasok ng bahay, "kita mo naman ang hitsura niya. Minamaltrato siya ng kasama niya sa bahay."
"Ibig sabihin, pinuntahan mo pala siya," ingos nito, nasa harap na ang tingin.
"I had to. Dahil kailangan ko siyang iharap kay Ninong pagbisita ko sa mga Arguelle," paliwanag niya rito. "Hindi maniniwala ang ninong kapag idiniin ko na ang mga Tenorio talaga ang nagpasimula ng gulo kaya hindi natuloy ang sabong kahapon."
"Ninong natin siya sa kasal! Paanong hindi siya maniniwala sa mga sasabihin mo?"
"He'll think that I am being biased or just inventing things. Lalo na't alam niyang matagal na akong may sama ng loob sa mga Tenorio."
Sabay nilang pinanhik ang hagdan. Nakaalalay agad si Ernesto sa siko ni Allyssa.
"Hanggang kailan naman dito sa hacienda ang babaeng iyon?"
"Why?" sulyap ni Ernesto rito. "Parang nababahala ka sa pagparito ni Joan, a? Kilala mo ba siya? Pamilyar ba? May atraso ba siya sa 'yo o sa kakilala mo noon?"
"Ngayon ko lang siya nakita pero ayoko na sa kaniya."
"Dahil?" nangingiti niyang kulit dito.
"A, basta!" taas-noo nito bago siya nilingon. "Bakit hindi ka na lang magtiwala sa instinct ko?"
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto Dela Fuente did everything to please the people around him, particularly his father. He even tied himself into a marriage that was purely for their business' convenience. Eventually, he was already fathering a child. He became this responsib...