5

123 4 0
                                    

ILANG minuto na ang nakakalipas mula nang nakaalis si Señor Ernesto, pero bakit ganito? Nanunuot pa rin sa kaniya ang boses nito? Ang ilap sa matiim nitong mga mata tuwing nakapukol sa kaniya?

After thinking about their conversation again and again, Joan completely gained clarity about their situation. Her fear for him was replaced with empathy.

Joan felt pained at the very sight of him bruised and wounded in places—swollen on some areas, knuckles bandaged. Lahat ng iyon, nang dahil lang sa kaniya na wala namang katiting na halaga para dito.

Humablot ang mga kamay ni Joan sa tig-isang tuhod. Humigpit ang kapit. Ilang minuto nang naiwan ang pamunas na basahan sa ibabaw ng mesa para kausapin si Señor Ernesto. Ilang minuto na ring nakabibingi ang katahimikan sa loob ng maliit na bahay.

'Paano ko sasabihin kay Kuya ang tungkol sa pagpunta ko mamaya kay Mr. Sponsor Arguelle?' Tumindig na siya at itinuloy ang pagpupunas sa mesa. 'Ipagpapaalam ba ako ni Señor Ernesto sa kaniya? Bakit hindi ko man lang nilinaw iyon sa kaniya?' Dumiin at bumilis ang pagkuskos niya ng basahan sa mesa. 'Ang tanga-tanga mo talaga, Joan!'

Nang matapos sa paglilinis, hindi naman mapakali si Joan sa pagkakahiga sa papag sa kaniyang kuwarto. Ang kuwarto niya ay may plywood na pader na tadtad ng mga gupit-gupit na larawan mula sa mga lumang magazine. Mga larawan ito ng magagandang lugar na sa mga tinapong magazine lang niya nasisilayan. Ang ilan ay kupas na sa sobrang tagal at umabot ang collage sa mababang kisame ng kuwarto niya.

Joan stretched up a hand, as if trying to reach the ceiling with her slender fingers. Itinuro ng kaniyang mga daliri ang larawan ng isang dilaw na paro-paro na nakadikit sa nilabasan nitong cocoon.

'Ano kaya ang isusuot ko mamaya sa lakad namin ni Señor Ernesto? Dapat presentable ako sa harap ng sponsor na 'yon.'

Napapitlag siya nang makarinig ng mga boses na sumunod sa ingay ng maikling langitngit mula sa pintong itinulak pabukas. Nagmadaling bumangon si Joan, nagsuot ng mga tsinelas, at nagkumahog palabas ng kuwarto.

Paglabas, nasaktuhan niya si Kobi na nakapasok na sa bahay. Tumigil naman sa tapat ng pinto si Kyle. Napunta agad ang tingin nito sa kaniya at nang mahuling nakatingin din siya rito, magalang siya nitong tinanguan at ginawaran ng maliit na ngiti.

Kahit kabado, napilit ni Joan ang sarili na gantihan ang pagbati nito ng isang ngiti, ngiting hindi umabot sa kaniyang nag-aalalang mga mata.

Naputol ang pagtitinginan nila ni Kyle nang umubo si Kobi, ubo na dala ng pagkakaroon nito ng sakit.

Nilapitan ni Joan ang kapatid. "Nakausap mo si Señor Ernesto?"

"Oo. Mabilis lang," matabang nitong tugon.

"Ano raw? Bakit ka niya gustong makita?" sunod ni Joan sa kapatid na kumaway naman kay Kyle para paalisin na ito.

Nagpaalam si Kyle sa kanila na aalis na, pero dinedma lang niya iyon. Masyado siyang nakatuon sa pag-aabang sa isasagot ni Kobi sa kaniyang tanong.

"Kuya—"

Naputol ang sasabihin niya nang matunog na isinara ni Kobi ang pinto. Then, he shot her a sharp glare.

"Nabanggit niyang may nangyaring kaguluhan sa sabungan kahapon."

Inunahan na nga yata siya ni Señor Ernesto sa pagsasabi rito ng tungkol sa nangyari kahapon.

"G-Ganoon ba?"

Naku. Paano ba uumpisahan ni Joan ang pagpapaliwanag sa kapatid? At bakit kung umakto si Kobi ay parang walang bumabagabag dito? Parang wala itong nadiskubre na dapat ikagalit?

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon