MAG-IISANG linggo na si Joan sa rowhouse mga Torre. Dahil hindi niya lumalabas ng bahay, umaasa lang siya sa mga balita ni Kyle tungkol sa mga tao sa kaniyang paligid.
Marami daw ang naging kaganapan sa hacienda kaya mula noong huling punta ni Señor Ernesto ay hindi na ito nagparamdam uli sa kaniya. Bukod sa regular nitong operasyon ay panibagong paghahanda na naman ang ginagawa para mga manok-panabong ni Señor Ernesto. Panay din ang biyahe ng mag-amo sa bayan para i-organisa at i-reschedule uli ang derby na naudlot. Panay ang pa-meeting na hindi rin natutuloy dahil hindi raw sinisipot ang mga iyon ng mga sponsor para sa event. Nai-imagine na tuloy ni Joan ang pagtitimpi ni Señor Ernesto, ang pagtitiyaga ng lalaking iyon na may maikling pisi.
Isang beses pa lang daw nabibisita ni Kyle ang kaniyang Kuya Kobi. Ayon dito, mabuti naman ang kalagayan ng kaniyang kuya. Noong tinanong niya kung hinahanap siya nito, parang hindi malaman ng vaquero ang isasagot. Ibig sabihin, walang ipinahiwatig na paghahanap o pangungulila sa presensiya niya ang kaniyang kuya. Nalulungkot tuloy siya.
'Noon, kahit gaano katindi ang galit ni Kuya sa akin, inaalala pa rin niya ako. 'Laging kinukumusta. Pinagsasabihan kapag may balak akong gawin na sa tingin niya, ikapapahamak ko.
'Bakit ngayon . . . parang wala na siyang pakialam sa kalagayan ko? O ako lang ba ang nag-iisip nito?
'Baka nahihiya lang ang kuya na magsabi kay Kyle, kahit ang totoo, sa loob-loob niya, gusto na niya akong umuwi . . . na nag-aalala na siya para sa akin.'
"O, Joan," tabi sa kaniya ni Kyle. "Baka masyado mong pinapagod ang sarili mo."
Hindi niya nilingon ang binata. Nang marinig ang boses nito ay saka lang niya napagtantong kanina pa siya nakatulala sa kalagitnaan ng paghuhugas ng mga pinggan.
Ibinalik niya sa ginagawa ang tingin. "Ano ba? Gawain ko na ito araw-araw sa bahay. Sanay na ako rito."
Hindi na tinuloy ni Kyle ang tangkang akuin ang kaniyang ginagawa. He smiled while watching her. "Nakatulala ka na kasi riyan, akala ko tuloy, napagod ka."
"Baka natulala kaiisip sa 'yo, kuya. Yieee," panunukso ni Rita na nasa likuran nila. Nakaupo ang dalagita sa dining table, naghihimay ng malunggay.
"Totoo ba ang sinasabi ni Rita?" Nanunukso ang ngisi ni Kyle na patalikod na sumandal sa gilid ng counter kung nasaan ang lalabo.
"Kilala mo naman 'yang kapatid mo, nagpapapaniwala ka pa riyan," natatawang ganti niya rito.
Then, she met his stare.
"Mas gusto ko ngang maniwala, e."
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Tigilan mo nga ako—"
She was cut off by her gasp. Paano kasi, sinamantala ni Kyle ang pagharap ng mukha niya rito para masambot ng mga daliri nito ang kaniyang pangahan. He carefully angled her face, tilting her to the left then to the right.
"Magaling na," patungkol nito sa kaniyang mga pisngi. "Parang hindi natampal, hindi na halata," anito bago umangat ang tingin para makipagtitigan sa kaniyang mga mata. "Pero may hindi nagbago. . ."
Kinabahan siya saglit. May pamamaga pa bang natitira sa mukha niya? Sa pagkakaalam niya kasi, okay na naman ang hitsura niya.
"Kaganda mo pa rin," maagap na dugtong ni Kyle sa sinasabi nito.
Pinigilan ni Joan ang mapangiti. She just could not name this feeling. She felt like smiling when Kyle looked into her eyes in this fashion . . . this close with that charming, friendly smile on his thin lips with his white teeth hinting.
'Hindi puwede ito.' Umiling si Joan at bumalik ang tingin sa mga hugasin. Nagmamadaling pinakilos niya ang mga kamay. "Matagal ko nang alam," kontra niya kay Kyle para mawala itong kilig na narararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto Dela Fuente did everything to please the people around him, particularly his father. He even tied himself into a marriage that was purely for their business' convenience. Eventually, he was already fathering a child. He became this responsib...