UNANG binisita nina Joan at Kyle ang bahay nila mismo ng kaniyang Kuya Kobi. Habang iniikot ni Joan ang tingin sa paligid, hindi niya mapigilan ang panlulumo. Punong-puno kasi ang bahay ng mga alaala nila ng kaniyang kapatid.
Noon, mga magulang lang ni Joan ang kaniyang naaalala sa bahay na ito. Nakasanayan niya kasi na kapag naiiwan siyang mag-isa sa bahay ay dahil lang sa may trabaho ang kaniyang kapatid. Sa pagkakataong ito, lahat sila ay tila mga multo na lumilibot ang mga aparisyon sa buong bahay, mga alaala na lang.
Naaalala niya ang mga masasayang araw na pinagsaluhan nila. Katulad na lamang noong bata pa siya, grade five o grade six siguro. Natalo sa sabungan ang kaniyang tatay kaya ginawang tinola ang manok-panabong nito. Minsan lang sila makakain noon ng masarap, kaya kahit nakalulungkot ang pagkatalo sa sabong ay napangiti pa rin ang kanilang tatay dahil sarap na sarap silang buong pamilya sa ulam. Kung alam lang nila, mas malaki ang nginiti niya noon dahil iyon ang ilan sa kakaunting pagkakataon na masayang kumakain nang magkakasama ang kanilang pamilya. . . .
"Baka may nakalimutan kang mga gamit," Kyle gently reminded. Nakatayo lang ito sa kaniyang bandang likuran, malapit sa pinto. "Puwede mong kunin muna at ilagay natin sa kotse bago tayo magtanong-tanong."
"Huwag na. Dala ko na rin naman 'yong mga pinakakailangan ko, Kyle. Babalik din naman ako rito sa bahay kaya . . ."
Napailing siya.
Kakayanin pa ba niya ang tumira dito? Kung araw-araw niyang mararamdamang mag-isa siya dahil puno ang bahay ng mga alaala ng kaniyang pamilya?
Pumihit siya paharap kay Kyle. "Sinigurado ko lang na maayos itong bahay kaya pumunta ako rito. Na walang nakialam sa mga gamit."
He politely nodded, followed by a sad smile.
Lumapit na si Joan rito. Pinasigla niya ang tinig at pinalaki ang pagkakangiti rito. "Simulan na natin ang pagtatanong-tanong."
Ang una nilang pinuntahan ay ang kapitbahay na si Ambrosio. Hindi alam ni Joan kung ano ang first name nito pero kilala ito sa kanilang barangay sa apelyidong 'Ambrosio.'
Puti na ang lahat ng buhok ni Ambrosio na maikli ang pagkakatasa. Puting T-shirt na manipis ang suot nito na nangupas na ang pagkaputi at ang nakaprinta sa pulang tinta ay pangalan ng kandidato na namigay no'ng T-shirt mula noong huling eleksiyon. Tastas ang dulo ng suot nitong de-garter na shorts.
Noong si Joan pa lang ang nagtatanong-tanong at kumatok sa pinto ng matanda, hindi siya pinagbuksan nito. Hindi niya ito kinulit noon dahil alam niyang ugali na ni Ambrosio ang magkulong sa bahay nito. Ilag kasi talaga ito sa mga tao, madalang magbukas ng pinto, at laging nakasarado ang mga bintana.
Sa pagkakataong ito, medyo nakahinga si Joan nang maluwag dahil nakiayon na sa kaniya ang pagkakataon—sa wakas ay humarap sa ibang tao ang matanda.
"Sino sila?" bungad ni Ambrosio, nakabusangot ang mukha. It seemed to be the old man's default facial expression.
"Maayo na adlaw ho," magalang na bati ni Kyle. "Magtatanong lang ho sana kami." At paturong tingin ang isinaglit nito sa kaniya. "Si Joan nga ho pala, kapitbahay n'yo."
Naningkit ang abuhing mga mata nito habang pinapasadahan siya ng nangingilalang tingin.
"Kapatid ho ako ni Kobi," mahina niyang saad habang nahahati ang puso niya sa pagitan ng pangangamba at pag-asa.
"Diyan sa katabing bahay?" Iskeptikal pa rin ito.
"Opo," bahagyang baba ng kaniyang mukha pero nakatingin pa rin sa kausap.
Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ng matanda, but his stiffness lessened. Tumabi ito nang kaunti mula sa pagkakaharang sa pinto. Lumantad ang hawak nitong tasa ng kape sa isang kamay. Malapit na magtanghalian pero normal sa kanila ang makakita ng nagkakape nang ganitong oras.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto Dela Fuente did everything to please the people around him, particularly his father. He even tied himself into a marriage that was purely for their business' convenience. Eventually, he was already fathering a child. He became this responsib...