“ANO?” gusot agad ng mukha ni Ernesto.
He stood at the front porch of their house. Gayak na gayak na siya sa kaniyang pantalong maong na asul at long-sleeved scoop neck shirt na gray. Inasahan niyang kasama nina Kyle si Kobi pagdating sa mansiyon pero hindi, hindi nila kasama ang kanilang kristo.
At may mas matindi pa roon—ito ay ang ibinalita sa kaniya ng kanang-kamay na pinatotohanan pa ng mga kasamahan nito . . .
“Paanong nawawala?” Nagtitimpi na lang siya, pero umaahon na sa kaniyang dibdib ang iritasyon.
Everything was supposed to start rolling on this day. Pagsapit ng alas-diyes ng umaga, magsisimula na ang pagpupulong ng mga organizer at kakomisyon niya sa presensiya ni Mayor Arguelle para ma-finalize ang mga preparasyon sa rescheduled derby. At dapat, nagkukumahog ang Kobi na iyon na makapunta sa hacienda dahil sa wakas, makapagtatrabaho pa ito para sa kaniya. Pero ano? Isa na namang abala itong kaniyang haharapin!
Nagpalitan ng tingin si Kyle at ang katabi nitong mga kapwa vaquero. Nagtuturuan ang mga mata ng mga ito kung sino ang magpapaliwanag sa kaniya
“Hindi namin alam, señor,” ani Kyle. “Pero maraming mga posibilidad ang tumatakbo sa aming isip.”
“Si Joan?” panunulas ng tanong mula sa kaniyang mga labi nang hindi man lang niya napag-isipan.
“Nasa sasakyan.” Medyo umiwas ng tingin si Kyle, halatang nahiya pa ito sa kaniya bago nagbalik ng tingin. “Nakatulog siya sa biyahe dahil siguro magdamag siyang gising kahihintay kay Kobi na makauwi mula pa kahapon.”
Lumipat sa bukas na pinto ng van ang kaniyang mga mata. Sinikap niyang matanaw si Joan pero hindi talaga niya ito makita. Nakapuwesto siguro ang dalaga sa pinakalikuran ng van, hindi sa mga upuan na katapat ng bukasan ng pinto.
Ernesto returned his eyes on Kyle. “At bakit isinama mo na naman siya rito?”
“Hindi natin alam, señor, kung bakit nawala si Kobi. Baka mamaya, kagagawan ito ng mga masasamang tao at balikan nila si Joan.”
Ernesto stared at Kyle. He saw worry in his eyes. Malakas nga yata talaga ang tama ng lalaki sa babaeng pinag-uusapan nila. What’s peculiar about this was why he was even wondering what Kyle liked about that woman. He was simply intrigued because they just met recently, but still, he wasn’t supposed to be so curious, right?
‘Does love really work that way? Sa isang kisapmata ba ay handa ka nang magpaalipin sa isang tao kapag may gusto ka sa kaniya? Kahit isang linggo pa lamang kayo nagkakilala?’ For Ernesto, there was nothing rational about that at all, that’s why he just could not understand it.
Patuloy sa pagpapaliwanag ang walang-malay na si Kyle. “Ang sa akin lang naman, mas ligtas dito si Joan.”
“Ano naman ang pag-i-interesan ng mga taong iyon sa kanilang magkapatid?” kunot-noo niya. “Sa hitsura pa lang ng bahay nila, makikita mo nang wala kang mapapala sa kanila. Walang kanakaw-nakaw roon . . .” He looked blankly to a distance. “At kung may interes sila kay Joan, hindi sila basta-basta pupunta sa bahay nila kung wala siya roon.”
“Ang isa sa mga palagay namin, señor,” ani Kyle, “ay baka kagagawan ng kung sinong may galit sa inyo. Dinakip si Kobi para magkaproblema ka na naman sa pag-organize sa event.”
That made him scoff. “Sorry but that’s stupid. Marami akong puwedeng bayaran para magkristo para sa akin kaya ano at pag-iinitan nila si Kobi?” Then he dismissed their conversation. “Ang mabuti pa, tapusin n’yo na ang mga trabaho ninyo. Aalis na tayo ’pag 8:30 na. Klaro?”
Tumango ang kaniyang mga tauhan.
“Sige, señor,” paalam ni Kyle.
At nagsipagsakayan na ang mga ito sa van. Tinanaw ni Ernesto ang paglayo ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto Dela Fuente did everything to please the people around him, particularly his father. He even tied himself into a marriage that was purely for their business' convenience. Eventually, he was already fathering a child. He became this responsib...