DAYS turned to weeks.
Weeks turned to months.
Two months passed.
Patagilid na nakasandal si Joan sa gate ng rowhouse ng mga Torre. Gayak na gayak siya. Naka-single braid ang kaniyang kulot na buhok na abot-balakang ang haba. May nakakawalang maliliit na mga hibla na bumagsak nang paikot sa kaniyang mukha at ang iba ay nakalambitin sa magkabila niyang tainga. Simpleng tokong shorts na pula ang kaniyang suot na tinernohan ng oversized short-sleeved polo shirt na may kuwelyo. Sa laki ng shirt ay umabot na ang haba nito sa kaniyang mga hita.
May usapan sila ni Kyle na dadaanan siya nito ngayong Sabado ng alas-siyete ng umaga, kaya heto siya at nag-aabang sa pagdating nito.
Tinabihan siya ni Rita na nakabulaklaking shorts at green na tank top na napapatungan ng isang spaghetti-strapped na damit na kulay puti at may nakatatak sa glitter pink na 'Baby Girl.'
"8:10 na, wala pa rin si Kuya?" silip ng dalagta sa kalsada habang nakasandal sa kaniyang braso. Her hair swung slightly yet her side bangs were kept out of her eyes by three black hair clips.
Luminga-linga naman si Joan sa paligid. Wala siyang matanaw na sasakyan man lang mula sa magkabilang-dulo ng masukal na kalsada.
Napalabi tuloy siya. "Pero ang sabi niya, alas-siyete raw, e."
"Baka may iniutis pa sa kaniya si Sir Ernesto," hinuha ni Rita nang makalayo-layo ito sa kaniya.
Panay lang ang tingin ni Joan sa daan, hindi tinatapunan ng sulyap ang kasama. Then she sighed softly. "E 'di sana man lang, nagtext siya sa 'yo o tumawag, 'di ba?"
Sinilip ni Rita ang cell phone nito na kanina lang ay yakap at nakalapat sa dibdib nito. Nasaktuhan ni Joan ang ginawa nito kaya umasa tuloy siyang may natanggap itong tawag mula kay Kyle.
"Wala e," angat uli nito ng tingin sa kaniya pagkatsek nito ng cell phone.
Lalo tuloy siyang napuno ng kaba sa dibdib. Nakaabang na naman ang kaniyang mga mata sa daan.
"Ngayon mo raw ba talaga matitirahan 'yong bahay mo rito sa hacienda?" paninigurado ni Rita.
"Oo. Si Manong Sammy mismo ang nagsabi sa akin kahapon," tingin niya kay Rita.
Isa sa mga benepisyong nakukuha ng mga nagtatrabaho sa hacienda ay ang libreng tirahan. Siyempre, hindi agad binigyan niyon si Joan. Inobserbahan muna sa loob ng ilang buwan kung maayos ba siya magtrabaho sa manukan bago nakonsiderang bigyan ng matitirahan sa hacienda ng mga Dela Fuente.
Kaya naman maligalig siya. Kabado. Sabik. Sa wakas kasi ay magkakaroon siya ng sariling matitirahan sa hacienda kahit na hiram lang. Kahit hindi kaniya ang bahay, iba pa rin sa pakiramdam iyong may sarili siyang lugar na maituturing na tahanan, lugar na komportable siya, hindi kailangang mag-adjust para sa ibang tap, at mas malaya siyang gawin ang naisin.
Naghalo-halo na ang nararamdaman niya dahil sa tagal ni Kyle dumating.
Namilog bigla ang mga mata ni Rita dahil sa natanaw nito mula sa malayo. Napatingin tuloy sa direksiyon na iyon si Joan.
Nakasunod ang kanilang mga mata sa paglapit ng itim na Lexus. Huminto ang mga gulong nitong may gold rim sa tapat ng mababang bakal na gate.
Napamaang sila saglit. Hindi kasi iyon ang sasakyan na 'laging gamit ni Kyle kaya malamang ay hindi si Kyle itong bagong-dating.
Nakahinga lang sila nang maluwag nang bumukas ang driver's seat at pumanaog mula roon si Kyle.
Joan suppressed an automatic smile. She stopped her breathing for a bit, always believing that that would calm her heart. Because her heart would always go off on a race whenever Kyle was around . . .
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto Dela Fuente did everything to please the people around him, particularly his father. He even tied himself into a marriage that was purely for their business' convenience. Eventually, he was already fathering a child. He became this responsib...