22

75 2 0
                                    

NAKABUNTOT lang si Joan kay Señora Allyssa habang tinatahak nila ang pasilyo patungo sa hagdan paakyat sa roof deck ng tahanan ng mga Dela Fuente.

Señora Allyssa looked stunning. Nakabestida ito na mapusyaw na dilaw ang kulay. Umaabot ang palda nito sa mga tuhod nito. Manipis ang taling nakabuhol sa magkabilang balikat ng bestida at may maliliit na lace sa outline ng neckline. The chest part was shirred, cupping her round pair of bosom. Maayos na nakatirintas ang itim at mahaba nitong buhok. Puting mabalahibong closed-toe slippers ang suot ng mga paa nito.

Joan just could not help staring at the woman. Her skin looked so soft, smooth, and creamy. Her narrow eyes carried some kind of depth in them. Ganoon pa rin ang hatid na pakiramdam ng mga mata nito sa kaniya—tila may kapangyarihang magparusa. Pero ang ngiti sa mga labi ni Señora Allysa ay tila magaan at mapayapa. Joan could only sigh dreamily at the back of her mind because even Señora Allyssa's lips looked so soft and pale pink like a flower petal. Baka lagyan ng malisya ng iba ang paghanga niya sa ganda nito kapag may pinagsabihan siya pero iyon talaga ang nagpapamangha sa kaniya sa babae habang nakasunod siya rito patungo sa roof deck.

At nang marating ang roof deck, hindi na napigilan ni Joan ang sarili. Her mouth dropped open at the beautiful view. The breeze tossed Joan's hair back, misplacing some strands from the low messy bun she just did to her hair. Sariwa at malamig-lamig pa ang hangin na sumalubong sa kaniya. Napayakap siya sa sarili. Mainit kasi noong naglakad  papunta sa mansiyon kaya damang-dama niya ang lamig na tumatagos sa suot niyang puting tank top na pinatungan ng spaghetti tank top na pink. Pinarisan niya ito ng pantalon na regalo ni Kyle noong kaniyang birthday nito lang at mga tsinelas lang ang sapin niya sa mga paa.

Iginala ni Joan ang tingin sa buong paligid. Maganda ang mga muwebles at billiard table pero wala siyang pakialam doon. Ang pumukaw talaga sa kaniyang atensiyon ay ang ganda ng view. Puro poste at wala masyadong pader sa apat na sulok ng roof deck kaya kamangha-mangha ang larawan ng vista na abot-tanaw mula sa kaniyang kinatatayuan. The mountains seemed to stretch around them. The horizon of the sky followed—a layer of bright yellow and clear blue with wisps of clouds.

"Joan," Señora Allyssa called her gently. "Ingkod tabi." Maupo ka.

Nahigit ni Joan ang paghinga bago ito nilingon. Malaki ang ngiti sa kaniyang mga labi nang tabihan ito sa sofa.

"Ay, sorry!" distansiya niya nang kaunti dahil napaupo siya nang masyadong malapit kay Señora Allyssa.

Señora Allyssa remained calm. Medyo nahiya tuloy si Joan dahil sa tingin niya'y masyado kasi siyang maligalig, magaslaw kung ikukumpara sa pagiging pino kung kumilos at sopistikada ng ginang. Ipinagdikit ni Joan ang mga hita at hinawi ang naligaw na hibla ng mga buhok sa gilid ng mukha bago ipinatong ang mga kamay sa magkabilang tuhod.

"Nasabihan ko na ang mga maid. Dadalhin na lang nila rito ang meryenda natin," malumanay na paliwanag ni Señora Allyssa. Walang-buhay ang ngiti sa mga labi nito.

Tumango siya. "Salamat."

Mataman siya nitong tinitigan. Nahihiyang napaiwas tuloy si Joan ng tingin dito. 'Napangitan kaya siya sa ayos ko? Sa suot ko?'

"Maaga kitang pinasundo sa mga Torre kasi nakalimutan ko kaninang umaga na ngayong gabi na nga pala ang misa sa simbahan. Kailangang dumalo ng aming buong pamilya sa komemorasyon ng pag-aaparisyon ni Our Lady Fatima."

Joan smiled and returned her eyes on Señora Allyssa. Ngumiti siya dahil wala naman siyang alam na puwedeng sabihin ukol doon. Wala siyang ideya kung tungkol saan ang komemorasyon at aparisyon na sinasabi ng babae. Basta ang alam niya ay santo si Lady Fatima at ang misa ay gaganapin sa simbahan.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon