9

194 5 0
                                    

NASA kalagitnaan kanina ng pag-uusap sina Joan, Señor Ernesto, at Vidal nang bumalik ang katulong sa sala kasama ang señora ng alkalde na si Estefania.

Estefania aired with rich sophistication. She looked fresh in her white satin night robe that reached her legs, tied around her waists with a ribbon of the same color. Maluwag ang pagkakapusod ng itim nitong buhok. Pino ang bawat kilos nito at maamo ang mukha sa kabila ng pagpatak ng edad nito sa limampu't lima.

Or maybe it was her lack of—or suppression of— reaction and facial expressions that maintained her refined and youthful glow, because facial expressions were known to leave wrinkles on the face.

"Pakihintay na lang ang aking esposo," ani Estefania habang hinahatid sila ng babae sa office room ng alkalde. "Kagabi pa siya hindi nakauuwi ng bahay, maraming inaasikaso sa munisipyo."

"Iyon din kaya ang dahilan kaya hindi niya pinapaunlakan ang mga imbitasyon ko?" sunod ni Señor Ernesto rito. "At first, I got worried. Inisip ko na baka masama ang loob ni Ninong sa akin dahil sa pera—"

Ma'am Estefania opened the door for them before she faced them.

"Ernesto," titig nito sa lalaki, "wala ka na bang bukambibig kundi iyang sabong mo?"

He chuckled, sounding nervous. "Hindi sa ganoon, ninang. Matiano ka dida?" Kumusta na?

The tips of her eyebrows moved, furrowing at the center. But that's all the hint that Ma'am Estefania gave to show her disappointment aside from her tonality.

"Pumasok na lang kayo sa loob. Diyan n'yo na lang hintayin si Viktor," matabang nitong wika bago sila nilagpasan nito.

Ma'am Estefania barely looked at Joan. Parang hangin lang siya sa babae na nagtuloy-tuloy sa paglakad hanggang sa mawala sa kanilang paningin. Pagkapasok nila ni Señor Ernesto sa office room ay sumunod na sa pag-alis ng ginang si Vidal.

"Dito ka," muwestra ng isang kamay ni Señor Ernesto sa kaliwang visitor's chair.

Umupo sa visitor's chair si Joan. Kaharap niya si Señor Ernesto na inokupa ang kanang visitor's chair. Nasa kanilang gilid ang mahabang white wooden desk ni Viktor. Sa likuran ng desk, maayos na nakapuwesto ang de-kutson na swivel chair na kulay navy blue. Lagpas sa ulo ng uupo rito ang taas ng sandalan niyon.

Ilang minutong napuno ng katahimikan sa office room ni Mayor Viktor Arguelle dahil wala pa ang ginoo na hinihintay nilang makausap.

"Joan," tawag sa kaniya ng lalaki na bumasag sa katahimikan.

Mabilis niya itong nilingon. "Señor?"

"May kailangan ka ba? Gusto mo ng tubig?"

Ewan kung ano ang nakagugulat doon. Ewan din kung ano ang nakatutuwa roon. Hindi naman pinagkaitan si Joan ng concern nitong nakaraang mga araw. Kobi cared about her and her basic needs. Binuhay siya ng kapatid niya at pinakain. Kyle and his family cared about her during her stay at the rowhouse. Ginamot ng mga ito ang kaniyang mga namagang pisngi at pinatira siya sa tirahan ng mga ito. Kaya bakit ganito katindi ang epekto ng kabutihang ipinapakita ni Señor Ernesto sa kaniya? Dahil ba nagmula ang kabutihan sa pinaka hindi niya inaasahang tao?

"H-Hindi ho, señor."

He stood up. "You sure? Kasi ako kukuha ng maiinom." Then he murmured to himself. "Fuck it. We've been waiting here for almost an hour."

Patungo na ito sa pinto. 'Hindi ba niya 'ko kukulitin?'

"Señor!" pihit niya sa kinauupuan para tanawin ang lalaki. "Pahingi rin ako ng tubig!"

He smirked at her. "Obviously, you need it. Your lips are cracked dry. Ikukuha kita."

Mabilis na lumabas ito. Nag-click pasara ang mabigat na kahoy na pinto.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon