23

150 6 4
                                    

SEÑORA ALLYSSA BERNARDINO-DELA FUENTE brought this kind of goddess-like illuminance in the room.

Malaki ang pulang gown na suot nito. Its skirt with sparkly gold embroidered design ballooned so wide that Señora Allyssa could even rest her hand on top of it like a table. The sleeves puffed on both sides into a signature style of a Filipiniana blouse.

The customized Filipina gown had a touch of modern-day gothic fashion also, which could be seen on its gold lace crisscrossing the front of its corset. The neckline was outlined with white ruffles; a little low which showed the top of her pushed-up breasts. Halatang hindi hinigpitan ang pagkakatali nito mula sa ilalim ng mga dibdib hanggang sa tiyan nito. Ang itim at mahabang buhok ng ginang ay naka-half-braid, nakalaylay na parang kapa sa likuran ang nakalugay na parte. Nagmistulang headband naman ang parte na nakatirintas dahil nakapaikot ito sa ulo nito. In Joan's perspective, the braid seemed to cradle the white veil and the diamond-studded silver tiara that rested on top of Señora Allyssa's head.

Señora Allyssa smiled with some kind of reverence, like a queen. She owned the world in this moment—also everyone's eyes and admiration—and she clearly knew this as she presented herself in full composure—so self-assured and poised.  Her assistants carried the train of her gown and other stuff. They stood around her but were overshadowed by Señora Allyssa's elegance.

Señora Allyssa was really lucky, dahil hindi ipinagdamot ni Señor Ernesto sa buong Mandaon, sa mga photographer, at sa mga taong nagkakagulo sa municipal hall ang ganda nito. Mas lalong nasolo ng babae ang atensiyon ng lahat dahil hindi nito katabi ang asawa, especially when his presence could have stolen her spotlight because he's a Dela Fuente, a descendant from one of Masbate's most powerful clans. Maybe, Señor Ernesto knew that too as well so, he gave way for Señora Allyssa and did not show up with her.

Dahil din sa hindi makita sa paligid ang lalaki, kinabahan si Joan.

Umikot si Joan at naghanap sa paligid. Hinawi ng kaniyang mga braso palayo ang mga sumiksiksik sa kaniya na tao at photographer.

'Diin ang señor?' Nasaan ang senyor?

Nagmamadaling umalis siya mula sa tumpok ng mga tao. Nilibot niya ang tingin sa paligid habang naglakad-lakad hanggang sa natanaw niya ang pamilyar na bulto patungo sa malaking bukana palabas ng municipal hall.

Nagmamadaling hinabol ito ni Joan.

"Señor!" sabay niya sa malalaki nitong hakbang.

"Diin ka ba napadpad at ang tagal-tagal mong bumalik?" anas nito. Isang segundo lang siya tinapunan ng sulyap ng nagmamadaling lalaki.

Hindi siya nagpaapekto sa mood nito. "Bumili ako ng bandage, 'di ba?" Hinawakan niya sa iisang kamay ang rosas at bote ng mineral water para makabunot mula sa kaniyang bulsa ang kabilang kamay bago iabot dito ang pera. "Ito ang sukli."

Señor Ernesto kept walking. Nangalay na siya at lahat pero hindi pa rin nito tinatanggap ang sukli. Pasimpleng ibinalik ito ni Joan sa bulsa.

'Kay aburido na naman 'tong taong 'to?'' simple niya ng silip sa gusot nitong mukha.

Pababa na sila sa mga baitang sa labas ng municipal hall. Kapansin-pansing itinataboy na ang mga tao na pumapaligid sa mga carroza dahil inihahanda na ang mga ito para sa pagsakay ng mga ipaparadang naggagandahang kababaihan ng Mandaon.

"Mauuna tayo sa simbahan," Señor Ernesto informed her curtly as they approached his car parked at the side of the municipal hall, right where not a single person treads on. "Doon na natin aabangan ang prusisyon."

Binuksan nito ang pinto. Joan hesitated, so she did not move where she stood. She just watched him.

"Pa'no si Ma'am Allyssa?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 6 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon